Chapter 36: Move on

263 4 0
                                    


6:00 am

Nagising ako ng kusa, late naman akong natulog kahapon pero, ewan siguro need din nating bumangon hindi ba? 😊

*knock knock*

"Maxenne? Are you awake? Lets have a breakfast na" -ate megan

Yup tama kayo ng basa, at last nagsummer break na ulit! nasa bahay muli ako at nakahiga sa kamang namiss ko ng sobra.

"Ay hindi tulog pa ako?" Pabiro kong sabi.

"So tatawa na ako ganun? Psh pauso mo! Pero okay lang yan, tanggap ko na"sabay pat sa balikat ko habang umiiling. Si ate talaga! Haha miss ko din siya super! And as in! haha

Pagkababa namin ni ate megan sumalubong sa amin ang malawak na ngiti ni mommy

"Goodmorning mga anak!" Bati sa amin ni mommy

"Goodmorning din mom!" Sabay naming yakap kay mommy

"Hi dad!" sabay halik kay daddy na alam niyo namang dyaryo na naman yung hawak

"Hi kuy-" naputol yung sasabihin ko ng magsalita siya

"Saya mo ata?" masaya ba talaga ako? Bumabalik na ba ulit yung kung sino si maxenne? Bumalik na ba yung dating ako?

Nginitian ko lang si kuya miggy, at nginitian niya rin ako.

Ewan basta iba talaga ang saya pagkasama mo buong pamilya mo, as in kumpleto lahat at walang problema.

Pagkatapos naming kumain, nagalisan na ulit yung mga kapatid ko even daddy he needs pa to go to our clinic kasi alam niyo na madaming pasyente. Gusto ko din sumama kaso ayaw niya, mangugulo lang daw ako, pshh may alam na din naman ako eh, marunong na akong magpasta ah? Pshh nevermind.

So ano na naman ang gagawin ko? wala na naman? Haay hindi ka pa din nagbabago maxenne, hindi pa.

Buti na lang at may foundation akong sinalihan para naman pagwala akong ginagawa, pupunta ako dun para makilaro sa mga bata. ang saya kaya nun, nakakalimutan mo lahat ng problema mo.

Flashback

"Oh hija? naparito ka? gabi na ah?" sabi sa akin ng care taker ng bahay ampunan.

"Ahmm gusto ko lang sanang makita sila." im preferring to the kids

"Nako hija, patulog na sila eh, pero pwede ka namang pumasok mukhang may problema ka ata?"

Nginitian niya ako at pinapasok sa loob.

Oo problema, pagkatapos kong sabihin yun sa kanya agad akong dumertso dito kasi alam ko dito mawawala yung problema ko, mawawala yung sakit na nararamdaman ko ngayon.

Agad akong umupo sa bench ng playground, tahimik at madaming puno, yan lang ang kailangan ko. At tska ko nilabas ang lahat.

"Sky, sorry kung hindi ko na kinaya, sorry sky" at tuloy tuloy na ako sa pagiyak

Napatigil ako sa pagiyak ng may biglang tumabi sa akin na batang babae

"Ate, bakit ka naiyak? ito po oh gamitin niyo po muna yung bimpo ko" sabay abot niya ng bimpo sa akin.

"Sa-salamat"

"Ate bakit ka ba naiyak? may namatay po ba?" bigla naman ako napangiti at umiling

"Haha, wala, walang namatay"

"Eh? Bakit po ganun? kapag nakakita po akong naiyak galit sila tas nisisigaw nila yung pangalan pero ikaw ate bakit ka nagsosorry? kasalanan na rin po bang umiyak?" Napatawa naman ako bahagya, bata pa lang, may alam na.

What If I Give Up? (Completed! :D) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon