BAGO NAG HIWALAY sina Allan at Rose nagpalitan sila ng number.Pagkauwi ni Rose sa kanila hanggang tenga ang kanyang ngiti.
Kapapasok palang niya sa loob agad na siyang pinansin ng kanyang magulang.
"Rose anak, para kang wala sa sarili mo ah, ang lapad ng ngiti mo nanalo kaba sa lotto ha, baby?"
"Dad, higit pa sa lotto," walang kagatol-gatol na sagot nni Rose sa ama.
"Rey, sampalin mo nga iyan anak mo ng matauhan kung ano-ano ang sinasabi eh."
"Rose anak, halika nga rito maupo ka para ka kasing timang diyan."
" Dad naman eh, totoo naman ang sinabi ko ah."turan niyang habang papalapit sa magulang.
"Maupo ka at umpisahan mo nang mag paliwag sa nangyari kagabi,"ika ng mommy niya.
"Mommy, wala naman nangyari kagabi ah, meron ba?"
"Anong wala may sinabi sa akin ang pinsan mo bago siya umalis kagabi Rose, kaya don't deny it!"
(Tsimosa na Mitch iyon ah)
"Ano ba ang sinabi niya saiyo, Mommy?"
"Ang batang ito ginawa pero hindi alam, Rey. Kausapin mo iyan anak mo, maglasing hindi naman pala kaya at hindi pa alam kung ano ang pinag gagawa hay naku Rose, kung kailan ka nag kaidad saka ka naman gumawa ng kalukuhan!"
"Rose anak, alam kung nasa tamang idad kana pero sana huwag ka naman gagawa ng isang bagay na nakakasama sa pagkatao mo, paano kung pinahiya ka nun lalakeng hinalikan mo kagabi."
"Sorry po Dad, Mom, promise hindi na mauulit," hingi niya ng paumanhin."
"Sige kalimutan na natin iyon total ginawa mo na anak, promise mo iyan ha, pag ginawa mo pa ulit ibibitin kita ng patiwarik."
"Dad, naman sa tanda kung ito gagawin mo pa iyon?"
"Oo naman, anak kung matigas iyan ulo mo, behave Rose, ang sabi mo nga bente nuwebe kana."
Ngumiti si Rose."Puwede na rin huwag lang akong nakapalda pag ginawa mo Dad,"biro niya sabay tawa.
"Tignan mo ang batang ito, hay naku pag tumatanda ka nga naman, totoo pala yong kasabihan."
"Na ano, Mommy?"
" Paurong ang pag iisip nagiging bata."
"Anak, seryoso ako hindi ako nag bibiro,"ika naman ng ama.
"Thank you. Mom, Dad, ang bait talaga ng magulang ko I love you both," kanyang niyakap hinagkan ang magulang.
Kararating lang ni Allan sa restaurant na sinabi ni Monica, na traffic siya panay pa ang tawag ng dalaga sa kanya na ikinairita niya lalo.
" Monica, sorry,"pagkalapit niya sa dalagang makakakitaan ng pagkainip sa mukha.
"Okay lang kahit pinaghintay mo ako ng matagal at least andito kana,"ngumiti na ito.
"Thanks."
"Oh, mag order na tayo alam kung gutom kana sa pag hihintay sa akin."
" Yeah!"
Kinawayan naman ni Allan ang waiter. Kaagad lumapit ito sa kanila.
"Order yours, Monica."
Sinabi nito kung ano ang gustong kainin ganun din si Allan.
"Anything else sir, ma'am?"
"That's all,"sagot naman ni Allan.
Aalis na sana ang waiter ng mag salita si Monica,"Ah, excuse me waiter wait."
BINABASA MO ANG
KAILANGAN KITA
RomanceALLAN AQUINO. Congressman ng district two. Sa bayan ng Isabela. Sa idad na trentay otso siyay single pa. Nasa sa kanya naman na lahat ng katangian hanap ng isang babae. mabait maginoo. at higit sa lahat matulungin sa kababayan niya. Kaya lang siya'y...