CHAPTER: 15

4.1K 69 2
                                    



NANG matapos ang pamamanhikan nila Larry kina Rose kaagad na itinakda ang kanilang kasal tatlong buwan ang usapan ng kanilang mga magulang.

"Rose, anak. Okay ka lang ka ba?"

"Mommy, I'm okay."matamlay na tugon niya.

"Hindi ka okay anak, nakikita ko ito sa mata mo lagi kang matamlay gaya ngayon at palaging ang lalim ng iniisip mo hindi kapa gaanong kumakain hayan nangangat kana tuloy."

"Mom, iniisip ko kasi kong maging masaya ba ako sa pag papakasal kay Larry, magiging mabuti ba akong asawa sa kanya gayong hindi ko naman siya mahal."

"Anak, puwede mo naman turuan ang puso mo na mahalin siya diba?"

Umiling si Rose sa ina."Mommy, diba ang sabi nila ang pag papakasal ay ang pinakamagandang manyayari sa buhay ng isang babae at pinakamasaya dahil makakasama na niya habang-buhay ang lalakeng mahal niya."

"Oo, anak!"

"Mommy, iyon ang gusto kung maramdaman sa araw ng kasal ko," hindi niya napigilang ang luhang kumawala sa kanyang mata.

Niyakap siya ng ina dahil ito lamang ang tangin magagawa nito, masakit sa isang ina na makita ang anak na nasasaktan lumuluha. Kung may magagawa lamang siya pero wala para siyang naputulan ng kamat at paa.

"Mommy, I want to be happy, pero bakit ganun kabaliktaran naman ang nangyayari sa akin!" tuluyan na siyang humagulgol.

"Anak, I'm sorry, alam kung kami ang naglagay sayio sa kalagayan mong ito na nagpapahirap sayiong kalooban. Anak patawarin mo ako, Iwant you to be happy too, hindi pa huli ang lahat puwede mo pang hindi ituloy ito, Rose, look at me,"ika nito napatingin naman ng deretso sa ina ang dalaga.

"Kung gusto mong maging masaya, go with him the man that you love,"habang sinasabi ng ina ang mga katagang iyon pinupunasan ang luhang dumadaloy sa pisngi ng anak.

"Mommy, napakadaling sanang gawin iyan, pero ang daming hadlang. At ayoko na rin mapahiya si Daddy, dahil nakita ko sa mata niya ang saya habang kausap niya ang magulang ni Larry."

"Yan na ba talaga ang disisyon mo anak?"

Tumango si Rose sa ina.

ARAW ng pagtungo nila sa resort sinundo na ni Larry si Rose.

"Magandang umaga po Tita,"bati ni Larry sa ina Rose.

"Magandang umaga rin saiyo hijo, ang aga mong naparito may pupuntahan ba kayo ni Rose?"

"Opo, Tita, may birthday kaming dadaluhan sa resort. At same time outing na rin namin ito at bonding po."

"Ayoko sanang mag tanong pero, anak ko,si Rose, saan ba ang outing na iyan, hijo?"

"Sa Batangas po Tita sa isang resort."

"Ganun ba, sandali at titignan ko kung naka ready na siya, maupo kamuna hijo."

"Salamat po Tita."

Kaadgad ng pinuntahan ng Ginang ang anak.

Kumatok ang Ginang ng nasa pinto na ng silid ni Rose.

"Sino iyan?"

"Ako anak."

"Mommy, bukas iyan."pumasok ang Ginang.

"Anak."

"Bakit po, Mommy?"

"Si Larry, nasa baba na, nakahanda ka na ba?"

"Para saan po ang pag hahanda ko, Mommy?"

"Ang sabi ni Larry, ngayon ang punta ninyo sa Batangas."

KAILANGAN KITATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon