They are now walking in the parking lot at parang walang pake si Alyx sa kasama niya habang nag lalakad siya.
Inunlock niya naman ang kotse niya at pinagbuksan si Dennise.
"Saan mo ba ako dadalhin?" Tanong ni Den na puno ng curiosity
Napatingin naman si Alyx sa dibdib ni Den na basa ng juice dahil sa iniinom niya kanina.
Agad namang napatakip ng dibdib si Dennise dahil iba ang tumatakbo sa isip nito.
"HOY?! MANYAK KA! AKIN NA NGA YAN! SABI NA NGA BA'T MAY MASAMA KANG BINABALAK SAKIN EH!" Pinag hahampas naman niya si Alyx at patuloy na inaagaw ang bag nito.
Unti unti namang lumapit si Alyx kay Den.
"Miss kung anong mang iniisip mo pwes hindi ako ganung tao atska for your information hindi tayo talo okay? Pasalamat ka nga't may tumutulong pa sayo eh. " Maangas na sagot ni Alyx
"Sakay" Alyx said in cold tone.
Namula naman sa hiya si Den dahil may nag mamagandang loob na nga sakanya eh pinagiisipan niya pa ng masama.
Tahimik naman ang dalawa sa sasakyan habang nasa byahe.
When Dennise broke the silence.
"Saan mo ba ako dadalhin?" -Den
"Sa bahay" Alyx answered in cold tone.
"Limited ba laway netong taong to? Bat parang isang tanong isang sagot. Haaaay bahala na nga" Dennise said in her thoughts
Den was shocked when she saw the gate of Alyx's house.
"Bahay niyo to?!" Tanong ni Den na parang excited na bata.
Napa face palm naman si Alyx dahil parang may bata siyang kasama sa sasakyan.
Nang mapark na ni Alyx ang kotse dahan dahan namang bumaba si Den sa sasakyan dahil kinakabahan.
"Good afternoon sir.. pinapabilin po nila mam na mawawala daw po sila ng 3 buwan ni sir dahil may aasikasuhin daw po sa London" sabi ng isa sa mga katulong nito.
Tila para namang walang pake si Alyx sa nadinig at hinatak si Den papasok ng bahay.
"Huy bat ba nandito tayo ha? Ni hindi mo nga alam pangalan ko tapos dadalhin mo agad ako dito? Ganyan ka ba talaga ha? Di mo pa kilala eh bibitbitin mo agad sa bahay niyo?" Tuloy tuloy na tanong ni Den kay Alyx.
"Ganyan ka ba talaga kadaldal ha? Nerd?" Iritang sagot ni Alyx.
"Dadalhin dalhin moko dito tapos maiirita ka" pabulong na sabi ni Den pero hindi iyon nakaligtas sa pandinig ni Alyx.
"Whatever Miss maupo kana lang dyan.." Alyx said.
Umalis muna si Alyx saglit para kumuha ng first aid at naiwan naman si Den sa sala nila habang nililibot ng paningin ng dalaga ang buong sala nila Alyx.
Palapit na sana si Alyx kay Den ng makita niyang naka tingin ito sa mga trophy ni Alyx at mga Academics Award neto.
"Ang ganda sana neto kung hindi lang mukhang manang ang porma eh" Alyx said in his thoughts while staring at Den's face.
"Wait Alyx anong sinabi mo? You found her cute?! Eh mukhang manang nga!" Kontra naman ng inner Me niya.
"Huy! Anong tinitingin tingin mo dyan?!" Hindi naman namalayan ni Alyx na kanina pa siya tinatawag ni Den.
"A-Ano w-wala. Umupo kana nga dyan" palusot naman ni Alyx at nilapag ang dala niyang first aid sa center table at ice bag.
"By the way bago ka pa sumigaw ng rape dyan im Alyxer Valdez and you are?" Tanong ni Alyx.
"Im Dennise... Dennise Lazaro. Den naman" she answered.
Binigay naman na muna ni Alyx ang ice bag kay Den bago pa ito mag patuloy sa pagsasalita.
"Ano bang nangyari at bigla ka nalang sinugod ng mga babaeng yun sa gym kanina?" Tanong ni Alyx habang kinuha ang salamin ni Den na basag at habang hinahanda ang panggamot sa sugat neto.
"Haay hindi ko din alam. Malaki kasi ang galit nung mga yun saken. In fact 1st year college palang ako eh galit na galit na yang mga yan saken. Paano kasi ako yung utusan ng mga yan" Den said habang pinapatong ang ice bag sa upper right ng forehead niya.
"Utusan?" Takang tanong ni Alyx habang ginagamot ang sugat ni Den sa braso.
"Yep. Im the one who's doing their projects and homeworks." Den said
"Wews? As in silang tatlo?" Di makpaniwalang tanong ni Alyx.
"Oo..mismo" at natawa naman si Den sa reaction ni Alyx.
Hindi naman sinasadyang matapunan ni Alyx ng alcohol ang sugat ni Den kaya napa aray ito.
"Ouch! Alyx ang hapdi!" Sigaw ni Den.
"Oh sorry! Sorry!" Agad namang hinawakan ni Alyx ang kamay ni Den at hinipanhipan ang natapunan ng Alcohol.
Den can't help it kaya napangiti siya.
"Alam mo? Kanina akala ko barumbado ka" Den said while smiling.
"Well miss akala mo lang yun hahaha mabait naman talaga ako eh. Nag bago lang. Nabubully din ako before and guess what? Mas malala pa." Alyx
"Eh? May mas lala pa ba dito?" Den asked at sabay silang tumawa ni Alyx.
"So Friends?" Den said then offered a handshake to Alyx.
"Nope... bestfriends." Alyx said then flashed a killer smile.