Kulet's POV
"Anak sandali. Wag kang malikot. Malapit ko nang matapos to." ehhh!! gusto ko nang lumabas ee!! Gusto ko na makita si Hamburglaaar!! Gusto ko na maglaro >3< "wag kang masyadong malikot sa labas ah. Tsaka wag ka rin lalabas ng gate, stay inside."
"Opo mommy." Mommy dali naaaa!!! Ayaw ko naman kasi ng pigtails ehhh. Gusto ko lugay lang. Sabi kasi ni Tito James na maganda daw ako pag nakalugay lang. Hihihi. Nung naramdaman kong hinigpitan na ni mommy yung tali ko, kumaripas na ako ng takbo palabas.
"Nicole! Don't run!" narinig kong sigaw ni mommy sakin. Pero patuloy parin ako sa pagtakbo palabas. Huwaw! Ang daming pipol!! Kyaaa!! 5 years old na ako!! Hehehe.
Binati ako lahat ng mga nakasalubong ko at nag hi din naman ako. Bait naman ako eh >:P Asan kaya yung kambal?? Gusto ko sila makalaro!! Hmmm..sila Tito James kaya asan? Kanina ko pa siya hindi nakikita eh. Diba birthday din niya ngayon?
Ang galing nuh! Same kami ng birthday?? Para ko siya talagang daddy ^^
"Hi Princess! Happy Birthday! Where's mommy?" WAAAH! Si Tita Nicole at si Tito Kyle!! Niyakap ako nila pero nagpakarga ako kay Tito Pogi. Heehee. "San si mommy, bhe?"
"Nasa woob po! Heehee." tinusok tusok ko yung pisngi ni Tito Kyle dahil ang lambot. Si daddy kaya nasan?? Bakit wala naman yung mga hinahanap ko. Baka gusto nila mag play ng hide and seek?
"Eh si daddy Rusty?" tanong ulit si Tita Nicole. Si Tita naman ehh...hindi nalang hanapin! May eyes naman siya T____T
"Di ko po alam eh. Baka po nasa bahay din. Hindi ko po siya nakikita kanina pa eh."
"Baba ka na Kulet. Hahanapin lang namin si daddy mo at may importante kaming kailangan sabihin."
"ehhhh!!! ayaaaaw!! Karga laaaaang!!"
"Ah ganon? Strawberries o karga?"
"BABA!! BABA NA AKO!! DAWI!!!!"
"Hahahaha..andun yung strawberries mo sa gift table mo. Bye Kulet!" si Tito Kyle talaga. Unfair. Hmft. Pero may strawberries naman ako eh. Heehee :3
Ang daming tao...napuno halos ang garden namin. Buti nalang malaki. Asan ba yung table na kung saan nakalagay gifts ko? Gusto ko makita kung may regalo sakin si Tito James. Ang bait bait kaya niya! Lagi niya ako hinahug kaso sandali lang dahil tinatawag ako bigla ni daddy. KJ T__T
Hmmm..aha! Ito yung kay Tito Kyle!! Strawberry printed eh. Tumingin tingin muna ako sa paligid at tinignan kung may makakakita kung bubuksan ko to. sabi ni mommy wag daw muna bubuksan eh. Dapat daw after the party nalang dahil next year daw mababawasan daw gifts ko.
Eh excited ako sa gift ni Tito Kyle eeh! Heehee...wala naman makakakita eh ^^
"HULI KA!"
"HYAAAA!!!" >O< "Ang bad mo tito James!!! Bad kaaaa!!! Aatakihin ako sa puso sayo ehhh!!! Grrr!!"
"ay? Ang bata bata mo pa aatakihin ka na agad sa puso? Hahaha!!"
"Malay muh! Yung daddy ko may sakit sa puso tapos nakuha ko!!"
binaba na ako ni Tito James. "talaga lang ha. Eh hindi naman sa sakit sa puso namatay daddy muh eh."
"Eh basta. Bleeehhh!! hmft." iiwan ko na sana siya dun pero kinarga niya ulit ako T__T "Eeeee!! Babaaaa!! hahanapin ko sila kambal!!"
BINABASA MO ANG
[IASWAFI Book 2] :: A Daughter's Birthday Wish (COMPLETED)
Humor4 long years passed. Nicolette was born and grew up without her dad. Wala paring bumabalik sa mga alaala nila Nico at Lovette. Malapit na ang birthday ni Nicolette pero...will everything get back to normal in just a snap o....mas matindi pa ang magi...