Natapos din ang exams ko. I'm happy kasi naipasa ko lahat ng yun. Di lang basta naipasa, I got marks higher than expected. Maybe dahil sa pag-aaral ko yun, or posible din na this time medyo sinwerte ako. Either ways, I'm thankful.
"Ella! Congrats." Bati sa'kin ni Aya. "Bilib na ko sa'yo friend. Nag-improve ka na! Ikaw na!" Nakangiti niyang sabi sa'kin.
"Thanks, Aya." Sabi ko. "Hindi ko nga inexpect yun eh. Pasalamat talaga ako. Hindi na siguro ako babagsak."
"Sus. Hindi yan. Sabi ko sa'yo eh." Sabi niya.
"Sana nga."
"Pero sayang. Di ka sumama sa'kin last time, nung nagstargazing kami. Masaya promise. I know mag-eenjoy ka nun." Sabi niya ng may panghihinayang.
"Ano ka ba? Ok lang yun. Ang importante naipasa ko ang exams." Sabi ko. "Isa pa, napanaginipan ko din naman yun. Kaya ayos na yun."
"Napanaginipan mo? Talaga?" Tanong niya.
"Yup. Medyo makatotohanan nga eh. Di ko akalain na panaginip lang pala yun. Sayang."
"Wow. Ang swerte mo friend. Walang ka-effort effort pero nakita mo ang shooting stars."
"Haha. Di naman. Panaginip lang yun. Siguro kakaisip ko sa shooting stars kaya ganun."
"Kahit pa."
Napangiti na lang ako. Maswerte na ba yun? Siguro nga. Actually, after ng panaginip kong yun, medyo sinuswerte na nga ako. Maliban sa isang bagay. "Haaayz."
"O? ok ka lang?" Tanong ni Aya.
Tumango ako. "Ok lang." Di ko na lang iisipin yun.
Gagala sana kami ni Aya. But unfortunately, tinawagan siya ng Daddy niya at kailangan nilang magkita. Kaya naman naiwan akong mag-isa.
Lendl's POV
Nandito ako sa mall ngayon. Not because I'm shopping but because I'm waiting for someone. I hate malls and I hate waiting for anyone. Nakakainis lang because I had no choice.
"Asan ka na, Steph? Kanina pa ko naghihintay dito." Reklamo ko kay Stephanie na kausap ko ngayon sa cellphone.
"Sorry. Si Kuya kasi eh. Ang tagal!" Sagot niya. "30minutes more. I'll be there."
"Tsk. Fine." Sabay press ng end-call button.
Another 30minutes of waiting. Wala akong planong maglibot. Isa pa, medyo masakit pa din ang binti ko dahil sa disgrasyang nangyari sa'kin. But I'm getting bored of this. -.-
Nagpunta na lang ako sa isang coffee shop. Umorder and then umupo sa couch. This way, baka mawala ang boredom ko. I get my phone and browse the internet. Good thing may wifi dito.
Mayamaya ay tumawag ulit si Steph.
"Where are you?" Tanong niya pagkasagot ko ng phone.
"SB."
"Ok. We'll be there in minutes."
"Ok." end convo.
Then, the door opens. Napatingin ako sa pumasok. I thought it was Steph, hindi pala. But in my surprise, iba ang nakita ko.
It 's the library and clinic girl. Di ko akalain na dito ko pa siya ulit makikita.
BINABASA MO ANG
Hiling
Teen FictionElla is a not-so-lucky girl. Lagi siyang minamalas sa kahit anong bagay. Lalo niyang nafeel na minamalas siya nung nakilala niya si Lendl. But one day, narealize niya, hindi na siya minamalas. Every wish she made came true. She became one-lucky-girl...