Chapter Eight

33 3 1
                                    

Stephen’s POV

Ilang araw na din mula nung aminin ko kay Ella na gusto ko siya at sinabi ko sa kanyang gusto ko siyang ligawan. Unfortunately, hindi niya ako gusto. Hindi pa man ako nakakapag umpisang manligaw, basted na ko.

Yes, it hurts. Dahil alam ko sa sarili ko na mahal ko talaga si Ella. Pero nung sabihin ni Ella na wag ko nang ituloy ang panliligaw ko, parang may kung anong nagpaintindi sa’kin na wag ko nang gawin. Parang naintindihan ko si Ella. Kaya naman kahit masakit, hindi ko na itinuloy ang plano ko. Wala din naman akong magagawa kung ayaw talaga sa’kin ni Ella. Pakiramdam ko may iba siyang gusto. Si Lendl.

Napapansin ko kasi sila pag nakikita ko sila. There’s something between them that I can’t explain but it’s obvious. Maybe hindi nga sila sure sa nararamdaman nila pero maiintindihan din nila yun.

Hindi ko alam kung bakit iniisip ko pa ito ngayong nasaktan na nga ako. Pero siguro dahil pareho silang mahalaga sa’kin.

“Kuya.” Tawag sa’kin ni Steph.

“Bakit?”

“Nagbago na ang bestfriend mo.” Sabi niya.

“Ha? Ano bang sinasabi mo?” Tanong ko sa kanya. Matagal ko nang kilala si Lendl. Wala naman akong nakitang pinagbago niya.

“Kuya, nagbago na si Lendl. Hindi na siya yung kilala  kong bestfriend mo.”

“Hindi siya nagbago. Madalas lang kayong hindi nagkakasama kaya mo nasasabi yan.” Sabi ko. Simula kasi nung nagkaiba na sila ng schedule, minsan na lang sila magkita.

“No, Kuya. Napansin ko kasi, everytime na nakikita ko siya, he’s trying to avoid me. Pag nakikiusap ako sa kanya to go with me to the mall, hindi na siya pumapayag. One time nung nakita ko siyang pauwi, gusto ko siyang sabayan pero humindi siya. Hindi na siya tulad ng dati, Kuya. Iba na siya.” Paliwanag niya.

Well, hindi na ko nagtataka. Minsan kasi nakukulitan na si Lendl sa kapatid ko. Kung hindi lang dahil sa’kin, hindi naman gagawin ni Lendl ang mga bagay na yun.

“Busy lang si Lendl kaya ganun. Pero hindi siya nagbago.”

“Hmmm. I think there’s something wrong eh. Hindi kaya merong nagdidistract sa kanya?”

Tumingin ako sa kanya. “Anong nagdidistract?” Tanong ko.

“Hindi kaya may girlfriend na siya?”

“Wala.” Diretso kong sagot. Alam ko naman kasing wala.

“Yeah, right. Kasi kung meron dapat alam ko yun.” Sabi niya. “Baka naman may crush siya.”

Crush? Hindi naman nagkakacrush yun eh. “Tigilan mo nga yang mga iniisip mo. Tigilan mo na si Lendl.” Sabi ko sa kanya.

“Kuya naman eh. I’m just curious.”

“Yeah, yeah. Nakalimutan kong patay na patay ka nga pala sa kanya.” Sabi ko.

Nabigla ang kapatid ko sa sinabi ko. “Patay na patay? Who told you?”

“Steph, kahit walang magsabi malalaman ko, halata ka kasi, sis.” Sabi ko. Obssessed na obsessed yan kay Lendl. Noon pa man gusto na niyang laging kasama at laging nakikita ito. Lagi nga niyang hinahanap sa’kin yun eh.

Nabigla naman ako nung tumawa siya ng malakas. “Hahahahaha!”

“O? Anong nakakatawa?” Tanong ko. “Baliw ka na?”

HilingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon