Shooting star?
"Oo. Madami daw mamayang gabi. Magstargazing tayo!" Pag-aaya sa’kin ng bestfriend ko.
"Sorry, Aya. Pero hindi kasi ako pwede mamaya. Kailangan ko pang magreview. Baka bumagsak na naman ako sa exam natin." Sabi ko. Exam week na kasi kaya hindi pwedeng pa-easy easy lang. Lalo na sa tulad kong madalas mababang marka ang nakukuha.
"Edi magwish ka na lang mamaya sa mga shooting stars. Hilingin mo na sana pumasa ka. Sa dami nun, sigurado maipapasa mo lahat ng exams mo." Suggestion ni Aya.
Haaayz. Ito talagang si Aya. Alam naman niyang seryoso ako ngayon para pumasa, kung anu-ano naman ang mga sinasabi niya.
"Hindi talaga pwede. Tsaka hindi din ako papayagan ng parents ko na lumabas mamayang gabi. Next time na lang."
"Ba yan? Ang kj mo talaga. Bahala ka na nga. Basta sure akong enjoy yun. Ikaw din, baka magsisi ka na hindi ka sasama sa'kin. Baka lalo kang bumagsak sa mga exams mo."
Ganun?
"Hindi. Ok lang. Hindi naman siguro ako babagsak ng dahil lang dun. Mag-aaral naman akong mabuti eh."
"Naku! Bahala ka nga. Dapat talaga pumasa ka, kundi tatawanan kita. Haha!" Patawang sabi niya.
Minsan iniisip ko kung kaibigan ko ba talaga ‘to. -___-
"Haaayz. Bahala ka nga, Aya. Una na ko sa'yo." Sabi ko.
"San ka pupunta?"
"Sa tahimik na lugar nang makapag-aral. Bye!" Sabay alis.
Si Aya talaga. Palibhasa matalino na sya. Di na niya kailangan mag-aral. -____-
Ay, ako nga pala si Joehlla Met R. Avelino. Ella for short. 19years old. 3rd year college na ko. Happy-go-lucky daw ako. Pero mahina naman sa klase. Compare sa bestfriend kong si Aya na kahit laging gumagala eh always namang mataas ang grades, ako laging bagsak. Pasalamat na lang at nadadaan ko pa sa projects ang grades ko. Pero parang unfair lang. Halos parehas naman kami ng ugali at hilig ni Aya, pero mas magaling pa rin siya sa lahat ng bagay. Haaayz. Malas lang ata talaga ako. -_____- Buti pa siya makakapagstargazing mamaya. Eh ako? Kailangan ko pang mag-aral. -_____-
Nagpunta ako sa library para makapag-aral. Kaya lang…
Aw! o_O
"Sorry." sabi ko.
Pag minamalas ka nga naman, makakabangga ka pa.
"Para san pa ang pulis kung nadadaan naman lahat sa sorry?" narinig kong sabi ng nakabangga ko.
"Ha?" yan lang ang nasabi ko.
"Wala. Sa susunod, tignan mo ang dinadaan mo para di ka nakakabangga." Sabi niya.
Teka? Ako lang ba may kasalanan kung bakit kami nagkabanggaan? kung tutuosin, hindi ba dapat magsorry din siya sa'kin?
*ting-ting-ting*
"Quiet." Sabi sa'min ng librarian.
"Tsk." -.-
Hindi ko na lang papatulan. Nakakahiya naman kung dito pa kami eeksena sa library.
Di ko na siya kinausap. Naghanap ako ng lamesa na walang taong nakaupo at doon pumwesto. Mas ok yun para iwas distraction.
Sa dami ng dapat kong pag-aralan, di ko alam ang uunahin.

BINABASA MO ANG
Hiling
Teen FictionElla is a not-so-lucky girl. Lagi siyang minamalas sa kahit anong bagay. Lalo niyang nafeel na minamalas siya nung nakilala niya si Lendl. But one day, narealize niya, hindi na siya minamalas. Every wish she made came true. She became one-lucky-girl...