Chapter Three

32 3 0
                                    

Sabi nila, hindi namamana ang kamalasan at hindi habang buhay malas ka. Kung tutuusin, wala naman talagang malas.

Dati di ako naniniwala dito, pero mula nung naipasa ko ang exams ko, naniwala na ko. Kasi naman, simula nun, feeling swerte na ko.

"Nakakabaliw yan." Sabi sa'kin ni Jean. Classmate ko.

"Ang alin?" Tanong ko.

"Ang ngumiti mag-isa." Sabi niya.

"Haha. Ganun?" Sabi ko. "Masaya ako kaya ako nakangiti."

"Sabi nila, pag ngiti daw ng ngiti, inlove daw yan." Singit ni Camille. Classmate ko din. "Inlove siguro. Ayiih." Panunukso niya.

"Hindi ako inlove 'no. Bawal bang ngumiti?" Depensa ko.

Nagtawanan lang sila.

Nakangiti ako kasi masaya ako. Una, dahil sunod sunod ang swerte sa'kin. Yung tipong kada hilingin ko, natutupad. Pangalawa, dahil di ako bumagsak sa mga exams ko. Feeling ko tumalino ako. At huli, dahil magkaibigan na kami ni Lendl.

Pagkatapos kasi nung nangyari sa mall, nakipagfriends siya sa'kin. Pero di naman kami close. Pag nakikita namin ang isa't isa sa school, 'hi-hello' lang o kaya smile lang. Pero kahit ganun, ayos na. Naging masaya ako na maging kaibigan siya.

"Ang tagal naman ni Ma'am." Reklamo ni Camille. Almost 20mins na din kaming naghihintay sa prof namin. "Sana absent siya. Nakakatamad eh."

"Sana." Sabi ko. Nakakatamad kasing magklase dahil sa panahon. Umuulan kasi sa labas.

Wala pang 5 minuto, dumating ang roving guard.

"Wala si Ms. Alvarez." Sabi ng guard.

"Yeheeey!" Sigawan naming magkakaklase. Pag sinuswerte nga naman.

Nagsi-alisan na kami sa classroom. Uuwi na sana ako kaya lang lumakas naman ang ulan. Wala naman akong payong kaya naman naghintay na lang ako na tumila ito. Pero habang tumatagal mas lalo pa 'tong lumalakas.

Matagal tagal na din akong naghihintay sa pagtila nito. Out of blue, napakanta na lang ako.

"Rain, rain go away. Come again another day. Little childre-"

"Little children want to play. Rain, rain go away." Narinig ko sa tabi kaya napatigil ako.

Paglingon ko, nakita ko si Lendl. Siya pala ang yun. Tumingin siya sa'kin at ngumiti sabay sabing, "Pag mas madaming kumakanta nun, mas malaki ang chance na tumigil ang ulan."

Napangiti ako, "Talaga? Baka naman mas lumakas pa ang ulan pag kumanta ka?" pabiro kong sabi.

"Bakit di natin subukan?" Hamon niya.

At sabay kaming kumanta.

"RAIN, RAIN GO AWAY. COME AGAIN ANOTHER DAY. LITTLE CHILDREN WANT TO PLAY. RAIN, RAIN GO AWAY."

Nakatingin lang ako sa kanya habang kinakanta namin yun. Di matanggal ang mga mata ko sa kanya. Di ko akalain na magkakasama kami ng ganito ngayon. SANA WAG MUNANG TUMIGIL ANG ULAN.

Bigla namang kumulog at lumakas pa lalo ang ulan.

"Aaah!" Napatili ako sa lakas ng kulog.

"Are you ok?" Tanong niya sa'kin. "Kulog lang yun."

"Yah. Nagulat lang ako." Sabi ko.

HilingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon