Chapter Ten

13 0 0
                                    

Ella’s POV

 

“I… I did it… for Stephen.”

Yan ang isinagot ni Lendl sa tanong ko sa kanya. Hindi ako makapaniwala.

Para daw kay Stephen ang ginawa niyang yun. Alam daw niya na may gusto si Stephen sa’kin. Ayaw daw niyang isipin ni Stephen na hahadlang siya sa panliligaw nito sa’kin. Kaya nagdecide siya na iwasan ako. Pero narealize daw niya na mali yun.

Mali nga siya. Kasi hindi naman siya magiging hadlang sa panliligaw ni Stephen sa’kin, because in the first place, hindi na ako nagpaligaw kay Stephen. Walang kailangang humadlang sa kanya kasi ako mismo ang pumigil sa kanya sa panliligaw.

Buti na lang sinabi sa’kin yun ni Lendl. I felt relieved. Atleast alam ko na na wala akong ginawang mali para iwasan niya ng ganun, and now, we’re friends na. For real. :)

“Ellaaaaaa!”

“O, Aya? Makasigaw ka naman parang bingi ako.”

“Say, what.”

“What?”

“Nagkausap na kami ni Akira.” Sabi ni Aya.

“Wow. Buti naman.” Sabi ko. Kasi naman ilang araw na silang hindi nagkakausap dahil umiiwas daw si Akira dito kay Aya. Pero buti ok na sila.

“Hindi ko nga akalain na kakausapin na niya ako eh. The last time nga, nagulat ako nung nalaman ko na sasali na din siya sa quiz bowl. Ano kayang nakain nun ‘no?”

“Eh baka naman napag-isipan niya lang mabuti na dapat talaga siyang sumali sa quiz bowl at hindi ka na dapat niya iwasan.”

“Hmmm. For sure, yung pag-iwas niya sa’kin, isa lang yun sa pangtitrip niya. Wala talagang magawang matino yung lalaking yun.” Naiinis na sabi ni Aya.

“Ikaw talaga, lagi mo na lang pinag-iisipan ng masama si Akira.”

“Tsk.” =___=

Masaya ako para kay Aya. Hindi na niya kailangang isipin pa na iniiwasan siya ni Akira.. Magkasama pa sila sa quiz bowl. :)

“Teka nga Ella, masaya ka ata ngayon?” Tanong ni Aya.

“Ba-bakit? Lagi naman akong masaya ah.” Sagot ko.

“Iba eh. Iba yung ngiti mo ngayon. Yung mga mata mo, may spark. Tell me…”

“Ha?”

“Are you in love?” Tanong ni Aya.

HilingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon