Prologue

72 3 0
                                    

Prologue

Minsan, sa buhay ng tao, may mga bagay na hindi mapigilang mangyari. Hindi kayang baliktarin. Ni hindi mo kayang baguhin. Iwasan mo, lalapitan ka. Habulin mo, lalayuan ka. O kahit anong gawin mo para maging simple at normal ang buhay mo, magiging kumplikado pa din ito. Minsan, ang sarap isipin na sana lahat ng nangyayari o mangyayari sa buhay mo, o kahit sa mundo, gusto mo lahat ito ayon sa kagustuhan mo. Kaso, hindi pwede.

Eh paano kung umayon nga lahat sa kagustuhan mo? Paano kung sa isang hiling mo lang magbago ang lahat? At paano kung dahil dito mas maging kumplikado ang lahat?

Hihiling ka pa ba?

Ako? Bahala na si Batman..

HilingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon