Chapter Nine

18 1 0
                                    

Ella’s POV

 

Nakwento sa’kin ni Aya na isasali daw sila sa Quiz Bowl ng Marketing Wars—silang dalawa ni Akira. Nagdadalawang isip siya kung papayag siya o hindi kasi nga parang ayaw naman din daw ni Akira na magkasama sila sa Quiz Bowl. Baka daw ikatalo lang daw nila kung ipipilit na pagsamahin sila. Ang kaso, baka daw magalit si Sir Lim kung hindi sila sasali.

 

“Sumali ka na lang. Wala din namang magagawa si Akira eh. And he shouldn’t take it personally. Quiz bowl yun. Para yun sa school at hindi para sa personal niyong buhay.” Sabi ko kay Aya. Masyado kasi siyang nag-aalala.

 

“Eh what if hindi talaga siya pumayag?” Tanong ni Aya.

 

“Edi hindi. At least sumali ka pa din, di ba? Hindi ka na maku-question ni Sir nun.”

 

“Eh ang gusto ni Sir kaming dalawa ang sumali.”

 

“Eh ikaw? Gusto mo ba siya?”

 

Nanlaki ang mga mata niya sa tanong ko. “Ellaaaaa!” Sigaw niya.

 

“O? Hindi ako bingi, wag kang sumigaw.” Sabi ko. “Masyado ka kasing praning eh. Tell me, nag-aalala ka ba talaga sa sasabihin ni Sir Lim o nag-aalala ka na walang sasabihin si Akira?”

 

Nagtakip ng mukha si Aya. Hindi siya nakapagsalita. Obviously, nalilito siya.

 

Naiintindihan ko naman ang situation ni Aya, pero hindi ko maintindihan kung bakit sobrang affected siya kay Akira. Sinabihan niya yung tao na classmate lang ang tingin niya dito, pero sa kinikilos niya ngayon, para siyang nakipag-away sa taong sobrang mahalaga sa kanya. Kung hindi ko lang alam, iisipin ko na si Akira talaga ang gusto niya at hindi si Stephen.

 

“Ella, anong gagawin ko?” Tanong niya habang nakatakip pa din ang mga kamay niya sa kanyang mukha.

 

“Join the quiz bowl—kasama mo man si Akira o hindi.” Sabi ko sa kanya. Matalino si Aya. Grade school pa lang sumasali na siya sa mga ganung competition. Sayang naman kung hindi siya sasali ngayon.

 

Tinignan ako ni Aya. “Thanks ah. Bestfriend talaga kita.” At niyakap niya ako.

 

“Syempre naman.” Sabi ko. “Sana lang maging okay na kayo ni Akira.” Hiling ko.

 

After naming magusap ni Aya, nagpunta siya sa faculty para kausapin naman si Sir Lim. Nagdecide na siyang sumali. Buti na lang, sayang kasi kung hindi. Naiwan naman ako sa  canteen mag-isa.

 

Nag-isip ako ng ibang paraan para matulungan si Aya na magka-ayos sila ni Akira. Kaso wala naman akong magagawa kung hindi kakausapin ni Akira. HAAAYZ. SANA LANG TALAGA MAGING OK NA SILA.

 

Ang init ng panahon. Pinag-iisipan ko kung pupunta ako sa library para makapagpalamig o hindi. Kaya lang hinihintay ko pa dito si Aya. Gusto ko tuloy ng iced coffee.

HilingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon