Aya’s POV
Sinabihan ako ni Akira na magkita daw kami ng Sabado. Actually nagdadalawang isip ako. Ano naman kasing gagawin ko sa school eh wala naman kaming klase? Ano kayang pinaplano nun? =____=
Haaayz. Pero wala pa din akong nagawa, pumunta pa din ako sa school. Ayoko kasing magalit sa’kin si Akira. Tsaka pasasalamat ko na din ‘to sa pagcomfort niya sa’kin.
9am. Nasa school na ko pero wala pa din si Akira. Ni anino niya wala. Niloloko na naman siguro ako nun. =_____=
“Aya.” May tumawag sa’kin.
Hmmm. “Stephen?” Anong ginagawa niya dito?
“Anong ginagawa mo dito?” Tanong niya. “May klase ka?”
“Ahmmm. Wala. May hinihintay lang.” Sagot ko. “Ikaw? Anong ginagawa mo dito?” Tanong ko.
“I have class pero 9:30 pa.” He said then he smiled. “Si Ella ba hinihintay mo?”
“Nope. Hindi siya.” Sagot ko.
“Ah. I see.”
Hinanap na naman niya si Ella. Kahit ako ang nandito iba pa din ang gusto niyang makita.
“Stephen!” Tawag sa kay Stephen ng isang lalaki. “Ang aga mo naman. Mas nauna ka pa sa’kin.” Sabi nito sa kanya.
“Hindi naman. Kadarating ko lang din.” Sabi naman ni Stephen dun sa lalaki. Classmate niya siguro ‘to. “Siya nga pala, si Aya pala. Bestfriend ni Ella.” Pakilala sa’kin ni Stephen dun sa lalaki.
“Hi.” Bati ko.
“I’m Lendl.” Pakilala naman nung lalaki. “Ikaw pala ang bestfriend ni Ella. Nice meeting you.” He smiled.
“Kilala mo din pala si Ella. Hindi ko alam na sikat pala siya sa department niyo.” Sabi ko.
“Well…” at ngumiti lang siya. Sino kaya ‘tong Lendl na ‘to? Hindi man lang siya nakwento sa’kin ni Ella. Infairness, cute siya.
“Ahmmm. Matagal pa ba yung hinihintay mo?” Tanong sa’kin ni Stephen.
“Hindi ko alam. Pero ang usapan namin 9am. Papunta na siguro yun.” Sagot ko pero ang totoo hindi ko talaga alam. Bakit ba kasi ang tagal ni Akira? =______________=
“Ganun ba? Hmmm. Samahan ka na lang muna namin habang hinihintay mo siya.” Alok ni Stephen.
![](https://img.wattpad.com/cover/14974636-288-k578283.jpg)
BINABASA MO ANG
Hiling
Novela JuvenilElla is a not-so-lucky girl. Lagi siyang minamalas sa kahit anong bagay. Lalo niyang nafeel na minamalas siya nung nakilala niya si Lendl. But one day, narealize niya, hindi na siya minamalas. Every wish she made came true. She became one-lucky-girl...