Chapter 18 : "Feeling Inlove"

145 4 0
                                    


Ano ka ba Luke kanina ka pa ganyan kung makatingin, Naiilang ako ehh hindi ako komportable.
-Yunis

Hindi mo kailangan Mahiya Yunis maganda ka pala . Tama si Timothy yung Ganda mo nakatago kung hindi ka pa nag paayos ngayon hindi ko pa nakikita ang ganda ng isang Yunis Marcus.
-Luke

Okie na sa akin na kumain na lang tayo at mag pakabusog ngayon Luke wag mo lang ako bulahin. Mahirap umasa alam mo na.
-Yunis

Seriously?? Hindi ako nag bibiro Yunis Maganda ka talaga. Yan yung tipong Minamahal maliban sa kagandahan may Mabuting Kalooban.
-Luke

"Halong Magdamag sila magkasama Hindi akalain ni Yunis na Makakasama niya sa isang espesyal na Gabi ang dati niyang Crush ang Dati niyang Ini-Stalk , Pangarap na lang ba talaga sa kanya ito dati?? At ngayon puwedeng Maging posible ang Imposible"

Yunis. Puwede ba kitang Isayaw??
-Luke

Hindi ako marunong sumayaw luke nakakahiya baka matapakan pa kita.
-Yunis

Sisiguraduhin ko na hindi mo ako masasaktan Just Trust me matututo ka Sumayaw ng wala kang nasasaktan.
-Luke

"Habang Sumasayaw"

YUNIS POV))

Totoo ba ito???
Nalilito ako ay hindi kinakabahan ako paano kung ako pala yung umaasa na puwede maging kami Posible na okie kami pero Imposible maging Kami. Mahirap umasa lalo na sa tulad ni Luke na pantasya ng Bayan , ng Campus alam ko maraming mag sasabi na hindi kami bagay na mas bagay sa kanya yung ka level niya.

Gusto ko iienjoy ang gabing ito kasi feeling ko ang ganda ko ngayon pero bukas ganun pa rin tingin nila sa akin ayaw ko ipakita sa kanila kung ano itsura ko ngayon kasi posible na maraming magbago ayaw ko na may magbago sa mga bagay dahil lang sa itsura ko.

Gusto ko ako pa rin ung Totoong Yunis na simple lang at may Pangarap sa Buhay.

Gusto ko sana sabihin kay Luke na Gusto ko siya,

Mahal ko siya ,

I Love you,

I like you pero bakit ang Hirap?? Siguro hindi pa ngayon ang Panahon.

LUKE KYLE POV))

Feeling Inlove ngayong Gabi. Kasi naman sobrang ganda ng Kasayaw ko hindi ko akalain na ganito pala siya kaganda. Maliban sa Bait niya Maganda pala siya.

Gusto ko siyang Ligawan pero baka mawala yung Friendship namin dahil lang sa nararamdaman ko pero paano kung maunahan ako nina Jeremiah at Joseph??

Pero alam ko sa sarili ko na tapat at totoo ung nararamdaman ko kay Yunis hindi lang dahil sa naging usapan namin dahil nakilala ko din siya ng lubusan.

Yunis??
Will you be my Girlfriend???
-Luke

Ha???? Ano ulit???
-Yunis

Mahirap itago ang nararamdaman yunis lalo na kung Mahal mo ang isang tao. Gusto kita Yunis puwede ba??
-Luke

Una pa lang ng nakita kita Luke sinabi ko sa sarili ko na Gusto kita, Hindi kita sa maalis sa isip ko #Stalker mo nga ako. Hindi ko akalain na balang araw mapapansin mo ako ang maging Kaibigan mo okie na sa akin yun pero kung magiging Girlfriend mo???

Oo pumapayag ako. Mahal din kita <3

YesssssSSSSSSSssssss <3

"Sa Bahay"

Lola??? Gising pa kayo??? May sasabihin sana ako sa inyo.
-Yunis

Sino ka??? Anong ginagawa mo dito??? Hindi kita kilala lumayas ka.
-Lola Liza

Pati ba naman kayo Lola ??
Ganun ba ako kapanget dati at iba ang Itsura ko ngayon?? Makeover lang ito ohh..
-Yunis

Ayy Apo ikaw ba yan?? Nako pasensya na hindi kita nakilala Ang ganda mo kasi Apo ano ba kinain mo at Gumanda ka ng Ganyan??
-Lola Liza

Ano ako Lola??? Si Darna may nilunok na bato?? Naging Superhero na??

Aii siya nga pala Lola may sasabihin ako sayo. May Boyfriend na ako. Pasensya ka na ha nilihim ko actually kanina lang naging kami pero matagal ko na siyang kilala. Hayaan niyo Lola Ipapakilala ko siya sa inyo.

-Yunis

Ang Akin lang Apo sana siya yung lalaking katulad ng Lolo mo na hindi ka sasaktan sa Pisikal man o sa Emosyonal kasi baka hindi ko kayanin kapag nakikita kang umiiyak or nasasaktan man lang Naalala mo nung Bata ka pa lang nagagalit ka sa akin kasu hindi kita pinapayagan maglaro sa labas kasi baka masugatan ka nagyon din Apo yun ang gusto kong rin mangyari ngayon ang Hindi ka masaktan.

-Lola Liza

Opo Lola. Hahanapin ko rin sa kanya ang Katangian ni Lolo at Daddy na responsable pero hindi pa naman ako mag aasawa lola Boyfriend pa lang hindi pa natin alam na kung siya talaga ang itinadhana para sa akin.

-Yunis

LUKE KYLE POV))

Salamat Lord dahil nadagdagan nanaman ng taong alam ko na mahal ako na dumating siya sa buhay ko kung dati pa alam ko na siya na ang nakatadhana sa akin sana hindi ako naging masungit sa kanya.

Pero Yun ang kwento namin ehhh dun kami nag simula yung akala ko na laro sa amin nina Jeremiah at Joseph hindi laro sa akin seryoso ako kay Yunis at alam ko na Mahal niya din ako diba kung mahal mo maiintindihan mo??

Ngayon may dahilan na ako kay  Mama para mag stay pa dito sa pilipinas dahil andito ang Girlfriend ko alam ko matagal pa si Lolo never niya iiwan ang kompanya kasi alam ko pinag hirapan niya ito.

"Ignacio's Residence"

Kuya Joseph puwede pahinga Food nagugutom na ako ehh.
-JunJun

Katulong mo ba ako??? Marami diyan sa Ref. May kamay ka naman at Paa bakit hindi mo gamitin??
-Joseph

Bakit ba mainit ang Ulo mo Kuya??? Meron ka ba??
-JunJun

Anong Meron?? Ano yun??
Bata ka pa lang ang dami mo ng Alam.
-Joseph

Yung dumadating sa babae kada buwan, ang ate ko kasi ganun ehh mainit ang ulo niya kapag meron siya.
-JunJun

Hoy Lalaki ako bakit ako mag kakaganun?? Ano ba gagawin mo kapag naagawa sayo ang babaeng Mahal mo??
-Joseph

Kuya alam mo ba ang pinagkaiba ng Inagaw at Pinag laban??

".Ang Inagaw ay yung mga taong nilalaban ang kanilang pagmamahal."

Ang Pinaglaban naman ay ang Taong pinaghirapan para lang makuha ang Kanilang Minamahal.

-JunJun

"Biglang Nanahimik si Joseph dahil sa sinabi ni Junjun ehh mas Parang matanda na siya sa kanya. Kaya naman binigyan niya na ito ng pagkain dahil malaki ang naitulong niya sa iniisip nito"

JOSEPH CHRISTOPHER POV))

Nakakatuwa itong batang Ito, ang dami na agad alam mukhang malalim ang pinaghuhugutan ng kapatid nito.

Para tuloy ayaw ko ng mawalay sa akin ito, ang sarap ng may kapatid ehh Yung tipong makakakulitan mo, makakakwentuha mo, lalo na may masasabihan ka ng problema mo.

To Be Continued......

My Stalker  (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon