﹏๑✿ ・:*:・PROLOGUE ・:*:・✿๑﹏

3.3K 79 17
                                    

﹏๑✿ ・:*:・♥ ・:*:・✿๑﹏

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

﹏๑✿ ・:*:・♥ ・:*:・✿๑﹏

I smiled when I saw Mommy and Daddy playfully chatting with each other on the couch of our living room. Daddy's back was slumped on the backrest of the couch and his arm was slung around Mommy's shoulder. Mommy, on the other hand, was leaning against his body and her arms were wrapped around his body.

I heard Mommy chuckled and playfully slapped Daddy's chest when he blew on Mommy's ear.

"Daddy, ang kulit mo. Nakikiliti nga ako," I heard her say.

"Kiss mo na lang ako imbes na hinahampas mo 'ko. Ang bigat ng kamay mo eh." Ngumuso si Daddy at inilapit yung mukha niya kay Mommy.

Itinaas naman ni Mommy yung kamay niya at itinakip sa mukha ni Daddy. "Seriously, Lance, alam mo hanggang ngayon kahit malalaki na yung mga anak natin, feeling teenager ka pa rin."

My smile widened. Pareho lang naman sila eh. Daig pa yung mga teenagers kapag naglalambingan na.

"Daddy, Mommy, how would you know when you're already in love?" I asked all of a sudden.

Napatuwid si Daddy ng upo. Inalis niya yung kamay ni Mommy sa mukha niya at mabilis na lumipad yung tingin sa akin. "In love ka na, Katheryne?!"

I rolled my eyeballs. "No! I was just curious, Dad."

Feeling ko magwawala talaga siya kapag dumating na yung time na na-in love na ako. Ayaw na ayaw nga niyang naririnig kahit may crush lang ako or even si Zean din. Pero kapag sina Kuya Jemie or Zail ang nalalaman niyang may crush okay lang naman sa kanya. Si Zend? Kahit close kaming dalawa ay di naman siya nag-o-open up sa akin tungkol sa ganung bagay. Masyado siyang tahimik at secretive. Feeling ko hindi pa siya interested sa mga girls.

"Dati kasi palagi kayong nag-aaway ni Mommy nung una siyang dumating sa dating house natin. Naisip ko tuloy, pa'no n'yo po nalaman na in love na pala kayo sa isa't-isa? Paano po ba malalaman if you're already in love?

"Maybe when you're already getting confused," Mommy replied.

I frowned at her. "Confused? About what?"

"About your feelings toward the other person. Kapag nalilito ka na at hindi mo na kayang i-explain sa sarili mo yung feelings mo. That's what I've experienced with your dad before."

"Ganun ka rin kay Mommy dati, Dad?"

"Yeah. And sometimes you are even self-denying about your true feelings kasi nga naninibago ka pa and you're not familiar with it. Hindi mo alam, hindi mo namamalayan mahal mo na pala yung tao na yun. Especially when your mind was already conditioned that you're not gonna fall in love. Tulad ko, wala naman akong plano noon na pumasok sa isang relasyon kasi mahal na mahal ko yung pagiging bachelor ko, yung freedom ko. But look at me now. I'm happily married for thirteen years with five children."

Heart Held CaptiveWhere stories live. Discover now