﹏๑✿ ・:*:・♥ ・:*:・✿๑﹏
I took a deep breath while staring at the letter that I was holding. Ito yung sulat na galing sa International Fashion Academy na in-apply-an ko sa Paris, France para makapag-aral ng fashion designing, informing me that I got a full scholarship from them. This was sent to me a month ago at nai-stress na ako dahil one week na lang at mae-expired na ito kapag hindi pa ako nag-confirm at nagpunta roon para magpa-register. They would give my slot to other applicants if I failed to do so.
Wala pa rin akong lakas ng loob na magsabi kina Daddy at Mommy. Tuwing sinusubukan ko ay umuurong yung buntot ko. Alam ko kasi na tututol agad sila eh.
"Pero di mo naman malalaman na baka pumayag sila kung hindi mo susubukan," sabi ko sa sarili ko habang nakasandal sa harap ng table ko.
I heard a soft knock on the door of my office here in Lancer Architecture and Design. Bigla iyong bumukas at nagulat pa ako nang si Daddy yung biglang pumasok kaya nabitiwan ko yung sulat at bumagsak sa carpeted floor.
"Princess, I have a new project for you," he told me with a big smile while walking towards me, holding a folder in his hand.
Napalunok ako. Shucks, yung sulat, baka makita niya!
"Yung ipinatayong condo building ni Mr. Salazar, gusto niyang itong kumpanya natin ang mag-handle ng interior designing."
Si Mr. Salazar, iyon yung businessman na kinukuha sana yung service nina Daddy three years ago para doon sa condo building na ipapatayo sana nito. Kaya lang walang available na architects si Daddy noon na pwedeng mag-handle nung project kaya sa ibang kumpanya napunta yung project. But the man seemed to really like our company's service kaya sa amin pa rin gustong ipaayos yung interior ng buong building niya.
Napatingin ako saglit dun sa sulat dahil sa tapat nun siya huminto.
"Gather your team now. This is a big project at dito ka makikilala sa galing at talent mo."
Pinilit kong ngumiti sa kanya habang kinukuha yung folder na inaabot niya sa akin.
"You're quiet. Dati naman excited na excited ka pag may project akong ina-assign sa 'yo kahit noong OJT mo pa lang. Ayaw mo ba nitong project na to?"
"Ah... Hindi naman po sa ganun. Kaya lang napakalaking project po nito at nakakatakot naman na ma-disappoint kita, Dad."
Bakit naman po ganito? Kung kailan kailangan ko nang umalis saka naman may ganitong project pa na dumating. Ayaw ba talaga ng tadhana na mag-aral ako ulit?
"Katie, I'm your father and I know your ability. Sa dami ng mga interior designers ko rito sa kumpanya, ang dami ko nang mga disenyo na nakita sa mga trabaho nila. They're all nice. But what you did in your thesis, those were very excellent."
"Eh tinulungan n'yo lang naman po ako ni Tita Yuri kaya naging excellent yung thesis ko."
"Princess, halos lahat ng mga nilagay mo sa thesis mo, those were your ideas. We just gave you tips para lalo pa iyong mapaganda. When we evaluated it before you submitted it to your professor, beyond excellent na iyon para sa amin. You have a brilliant talent in designing. Bata ka pa lang, nakita ko na sa 'yo yun."
YOU ARE READING
Heart Held Captive
General FictionLove... My idea of love was a mixture of tragedy and beauty. I could still remember how my true parents both loved each other but their relationship was immediately cut short when an unwanted tragedy happened in our family. But I also witnessed how...