~✿*6*✿~

1.3K 62 28
                                    

﹏๑✿ ・:*:・♥ ・:*:・✿๑﹏

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

﹏๑✿ ・:*:・♥ ・:*:・✿๑﹏

Nang magising ako ay parang dinuduyan yung pakiramdam ko. I opened my eyes and darkness immediately welcomed my gaze.

Sinalakay agad ako ng matinding takot nang maalala ko yung mga nangyari bago ako nawalan ng malay kanina.

Umupo ako rito sa hinihigaan ko at pinakiramdaman ko yung sarili ko. Wala naman akong kakaibang nararamdaman kaya medyo nakahinga ako nang maluwag. Inilibot ko yung paningin ko sa buong kwarto kahit madilim. Napatingin ako doon sa bilog na bintana na pinapasukan ng kaunting liwanag.

"Yate?"

Nasa isang yate ako. Hindi ako pwedeng magkamali dahil taon-taon akong nakakasakay sa yate ni Grandpa Andy.

Kinapa ko yung suot kong jacket. Wala na sa akin yung phone ko.

Bumaba ako mula sa kama at hinanap yung pinto. Binuksan ko iyon. It was opened! I went out and very cautiously walked on the dark hallway. Maliit lang itong yate na ito hindi katulad ng kay Grandpa. Tahimik na tahimik pero hindi mawala-wala yung sobrang kaba sa dibdib ko.

Umakyat ako sa top deck at nanlaki yung mga mata ko nang may maaninag akong dalawang lalaki na palapit sa kinatatayuan ko. Shucks! Mabilis akong bumaba ulit pero dahil walang ilaw na nakasindi ay hindi ko makita nang maayos yung hagdan. I slid and fell off the stairs, groaning painfully as my būtt hit the floor.

"What's that?"

Narinig kong sabi nung isang boses ng lalaki. Panic suddenly attacked me so I forced myself to get up. Nakatayo na ako at tatakbo na sana pabalik sa cabin na pinagdalahan sa akin pero nakita na ako nung mga lalaki at mabilis na tumakbo palapit sa akin at hinuli ako.

"Let me go! I said let me go!" Pilit akong nagwala mula sa pagkakahawak nung lalaki. Masyado itong malakas at di hamak na mas matangkad kumpara sa akin kaya ang ginawa ko ay kinagat ko nang mariin yung braso nung lalaki at nang mabitiwan ako ay mabilis akong umakyat ulit sa top deck. Nagtataka ako kung bakit walang pumigil o humabol sa akin. But when I reached the railing, yung tubig agad sa dagat na humahampas sa yate ang narinig ko at parang noon ko lang naalala na nasa dagat nga pala kami because my mind was preoccupied by the thought on how to escape those people who kidnapped me.

I was slowly losing hope as the memory of my whole family flashed in my mind. Wala akong ibang pupuntahan. Kapag tumalon ako sa tubig, malaki ang posibilidad na mamatay lang ako sa lunod o kainin ng mga pating dito sa dagat. Hindi ko na makikita yung buong pamilya ko pag nagkataon.

"Do you really think you can get away from us?" tanong nung isang lalaki sa likod ko.

I felt my eyes started to tear up as I turned to the man behind me. "Who are you? What do want from me?"

"Get her, Jonas," sabi nung isa pang lalaking umakyat din dito sa top deck.

Parang may pumitik sa utak ko nang marinig ko yung boses nung lalaking nagsalita. Parang narinig ko na yung boses na yun somewhere.

Heart Held CaptiveWhere stories live. Discover now