PLEASE READ!
Dear readers, you will see on the screenshots below that Katie's story or Heart Held Captive (HHC) was already finished since March 12 pa. By the way, sa color note app ako nagta-type ng stories ko kaya naka-indicate dun kung kelan yung date na natapos ako isulat or i-edit yung bawat chapters.
Question is: Bakit hindi ko na lang i-post 1 chapter a day para mabilis matapos yung story sa Wattpad? At sabi nga nung friend ko na reader din, para dumami ang readers ko at para tumaas yung rating/ranking nung story. Let me give you my reasons.
1. Hindi po ako nagpo-post ng story na hindi ko pa natatapos until the ending. Kaya kung nagbabasa kayo ng mga AN ko sa story ni Lance, sinabi ko doon na ang TMHTL ay noong December 2016 ko pa natapos. Bakit? Kasi lesson learned na po sa akin yung nangyari sa story ni Gab na hindi nagustuhan nung mga readers yung two unfortunate events na nangyari sa kanila ni Abby. Kahit gustuhin pa namin noon na bawiin at alisin yung details na yun na super heartbreaking, hindi na namin magawa dahil marami na ang mga nakabasa and by doing so, until the ending ay kakailanganin namin i-revise yung story para lang mapalitan yung details na yun. Kaya mula sa story ni Lance, di na ako nagpo-post ng story na hindi tapos para just in case may mga details akong gustong baguhin, alisin, or idagdag ay magagawa ko pa rin bago ako mag-update.
2. Pag pinost ko everyday ang HHC, mauubusan ako ng chapters na iuupdate dahil yung next story ko ay malayo pa sa ending bago ako matapos. I will not post my next story until it is finished up to the ending. Kaya pag naubusan ako ng updates dito kay Katie, sobrang matatagalan pa bago ako makapag-post ulit ng next story ko at ayoko naman kayong paghintayin ng super tagal.
3. Besides, pagbalik ko po sa work, halos hindi ko na po maaasikaso ang typing ng stories ko. Na-experience ko na yan nung nag-work ako from June-August. Never ko nagalaw yung next story ko, which is You Spice Up My Life, para dugtungan yun. Ever wonder why I was still able to update Teach Me How To Love (TMHTL) during the time I was still working? Kasi nga the story was already finished since December last year pa. Nahahawakan ko lang po yung tablet ko nung time na nagwo-work ako tuwing mag-eedit ng chapters ng TMHTL na iuupdate ko. Kaya di po ako mabubuhay na wala akong reserved na maraming chapters para just in case matagalan bago ako makapag-type ulit ay may updates pa rin akong maipapabasa sa inyo from time to time.
4. At dahil nga more than two months bago ko naharap ulit yung typing ng You Spice Up My Life, hirap na hirap na po akong hugutan ng emotions yun kaya alam ng mga kaibigan ko na super stressed ako that time dahil totally wala talagang ideas saka scenes na pumapasok sa isip ko para maituloy ko yung story. Kaya pangako ko sa sarili ko na kapag may work na ulit ako, hahanapan ko talaga ng time ang typing kahit na paunti-unti lang hanggang sa makabuo ako ng isang chapter dahil ayoko nang i-stop ng matagal yung typing, mahirap na kasi balikan ulit, super nakaka-writer's block!
4. Madalas din akong humihingi ng comments, opinions, and suggestions n'yo after every chapter na pino-post ko dahil pag nagustuhan ko yung mga yun ay sinisingit ko yung details na yun dun sa mga na-type ko nang chapters.
5. Masaya po ako na pumapasok sa ranking ng What's Hot List ng Wattpad yung stories ko. Pero di bale nang konti yung readers ko basta ayoko i-compromise yung quality ng story ko sa pamamagitan ng pagmamadaling mag-update para lang may maipabasa ako sa inyo.
Yun lang po. Medyo mahaba pero sana binasa n'yo pa rin. Thank you very much!
Sincerely,
AaliyahLeeXXI
YOU ARE READING
Heart Held Captive
General FictionLove... My idea of love was a mixture of tragedy and beauty. I could still remember how my true parents both loved each other but their relationship was immediately cut short when an unwanted tragedy happened in our family. But I also witnessed how...