﹏๑✿ ・:*:・♥ ・:*:・✿๑﹏
Kahit nakasuot pa siya ng black jacket at dark sunglasses, hinding-hindi pa rin ako pwedeng magkamali.
"Daddy?" I whispered as I started crying. "Daddyyyy..." Yumakap agad ako nang mahigpit sa kanya at nag-iiyak sa dibdib niya.
"Ano ka ba? Wag ka rito umiyak. Baka isipin ng mga tao eh kung ano ginawa ko sa 'yo," he said while caressing my back.
I looked up to him. "Ano po'ng ginagawa mo rito?"
His face softened as he smiled at me. "Sabi mo ihatid kita, di ba? Ihahatid kita hanggang sa Paris until I'm secured that you're finally settled in your place there."
I buried my face on his chest again and continued crying. "Thank you so much po. Akala ko po talaga galit ka pa rin sa akin eh."
"Alam mo namang hindi kita matitiis kahit kailan. Sige na, umupo ka na. Nahihirapan dumaan yung iba rito sa aisle."
"Tabi po ba tayo?"
"Yeah."
I smiled at him thankfully before I sat on my seat. I didn't know what kind arrangements that he did para magkatabi kami rito sa plane. But nevertheless, I appreciated the effort that he made. Yumakap agad ako sa kanya pagkaupong-pagkaupo niya sa tabi ko.
"Na-miss po kita. Ang tagal mo po kasi akong hindi kinausap. Aren't you mad at me anymore?"
"Hindi naman ako nagalit sa 'yo. Hindi ko lang talaga nagustuhan itong plano mo na 'to tapos inilihim mo pa sa amin. But what can I do? This is what you want. Bakit kasi di ka na lang sa Daddy Justine mo nagmana sa pagiging masunuring anak. Bakit yung katigasan pa ng ulo ko ang minana mo eh."
Ngumiti ako sa kanya. "Idol ko po kasi kayo ni Mommy Zanny eh. I wanted to prove something for myself."
"Make me and your Mommy even prouder, okay?"
"I will, Daddy. Lalo pa po ngayong alam ko nang suportado mo na ako."
"Good. That is what I like about you. You're always passionate about the things that you like to do."
"Alam po ba ni Mommy na sasamahan mo ako at ihahatid sa Paris?"
"I sent her a text message before I boarded the plane."
"Thank you so much, Daddy. Sobrang na-appreciate ko po itong ginawa mo na ito."
"Katheryne!"
Napalingon ako dun sa tumawag sa pangalan ko. Nakita ko si Randall na padaan sa aisle. Ngumiti agad siya sa akin kaya nginitian ko rin siya.
"Hoy! Wag ka ngang magpa-cute sa anak ko!" biglang sigaw ni Daddy sa kanya.
"Dad!" mahinang saway ko sa kanya.
YOU ARE READING
Heart Held Captive
General FictionLove... My idea of love was a mixture of tragedy and beauty. I could still remember how my true parents both loved each other but their relationship was immediately cut short when an unwanted tragedy happened in our family. But I also witnessed how...