﹏๑✿ ・:*:・♥ ・:*:・✿๑﹏
Nagulat ako nang bigla niyang ipinasok sa bibig ko yung hawak niyang piraso ng tinapay habang kumakain kami rito sa dining room.
"Finish your food now, princess. We still have a lot of works to do."
My brow suddenly quicked up. "Lot of works to do?"
"We're going to clean the whole house. Sabi mo naiinip ka? We're going to do something to get rid of your boredom," he answered before drinking from his cup of coffee.
Kumunot yung noo ko saka yumuko sa pinggan sa harap ko. May gusto nga kaya sa 'kin ito kaya bigla na lang nagbago ng pakikitungo sa 'kin? Ang ganda ko kasi talaga. Pati kidnapper ko di ma-resist yung beauty ko.
Napangiti ako sa naisip ko at napaangat ng tingin sa kanya. Kumabog na naman yung dibdib ko nang mahuli ko siya na nakatingin pala sa akin. Ako pa yung mabilis na nag-iwas ng tingin.
Hala, bakit ba ganito yung nararamdaman ko tuwing nagtatama yung mga mata namin?
﹏~✿**♡**✿~﹏
"Sabi mo you'll figure out how we can go to that waterfalls pero hanggang ngayon di mo pa rin ginagawa," reklamo ko kay Ryder habang pilit hinihila yung isang couch na sobrang bigat.
"Bakit ba kasi gusto mong magpunta dun eh ang layo-layo nun from here?" tanong niya habang nakasandal sa dingding.
"Parang ang sarap kasing maligo at mag-picture-picture dun. Ano ka ba? Bakit kanina ka pa nakatayo diyan at pinapanood mo lang ako? Eh kung tulungan mo kaya akong iusod 'to dun."
Lumapit siya sa akin at pinaalis ako. Siya na ang humila nung couch.
Nasaan ang hustisiya? Bakit ako hirap na hirap hilahin yun pero nung siya ang gumawa eh walang ka-effort-effort?
"Bakit ba kasi di ka mapakali sa ayos ng mga gamit dito sa bahay? Araw-araw mong ginugulo," sabi niya.
"Ay grabe siya oh. Di ko naman ginugulo. Gusto ko lang magbago yung itsura ng bahay na 'to sa paningin ko para di nakakasawa. Hindi lang naman ako dito ganito. Kahit sa mansiyon namin ganito na talaga ako. Tapos yung isang couch na yun itabi mo rito sa couch na 'to."
He crossed his arms over his chest. "Nakakuha ka ng alalay ah."
"Tss! Ikaw naman lagi yung boss ng mga tauhan mo kaya okay lang na maranasan mong maging alalay ko paminsan-minsan."
Hinila nga niya yung couch at inilagay dun sa pwestong sinabi ko. "Meron pa po ba, mahal na prinsesa?"
Ngumiti ako saka pabagsak na umupo dun sa isang couch na hinila niya. "Ayan! Feeling ko mas comfortable umupo sa pwesto na 'to. At mas maganda itong location na 'to kesa sa dati. Pero teka nga. We're talking about the waterfalls eh."
YOU ARE READING
Heart Held Captive
General FictionLove... My idea of love was a mixture of tragedy and beauty. I could still remember how my true parents both loved each other but their relationship was immediately cut short when an unwanted tragedy happened in our family. But I also witnessed how...