Chapter 2
*Welcome to the house full of surprises*
"Deanie Point of View"
Masaya kaming nagkakantahan kasama ang mga boys, masaya pala silang kasama at mabait din pala sila kahit papaano, noong galit kami sakanila ay nagbago na at nagiging close kami sa isat isa.
"Guys mukang paikot ikot lang tayo, kaninan ko pa kasing nakita yong isang magandang bahay na iisa lang ang ilaw" takang sabi ni Karleizl, akala ko ako lang ang nakakita noon akala ko guni guni ko lang yon, ang nakakapagtaka lang, bakit iisa lang ang bahay dito, walang kapitbahay at nakakatakot kaya dito.
"Guni guni mo lang yan Babe, wag kang mag-alala makakarating rin tayo sa Osyuso City, at magkaaway ulit tayo, pero walang personalan, trabaho lang" sabi ni Kent Dian na nagmamaneho ng bus, madami yang babae, medyo may pagka gwapo rin pero babaero. Ganyan naman talaga, halos mga lalaking gwapo eh babaero.
"Gutom lang yan Karle, medyo na sobraan ka siguro ng alak, matulog ka na nga" sabi ni Lead Julie kay karle na parang inaantok na nga ito, ang lakas kasing maka inom ng alak, bakit pa kasi ang daming dala ng alak ang mga gong gong, ayan tuloy knock out na yata si Karleizl.
*Boooggshhh* *inkkkk*
"Ano yon Kent!!!" Sigaw ko nang bigla itong huminto. Pero mukang meron yatang nabanggaan si Kent. Putikkk.
"Am-am, may tao akong nasagasaan guys, bigla ka-kasi itong tumawid" utal utal nitong sabi, pero bakit may tao pa sa ganitong oras, at wala naman kaming nakitang bahay except nong bahay na palagi kong nakikita. Pero i think nagpaikot ikot lang kami, dahil nakita ko parin ang bahay at malapit lang yon saaming kinaroroonan.
"Shit!!!, tignan natin" agad silang bumaba dito at hinanap nila kung sino ba yong nasagasaan ng ugok.
"Bro, wala naman kaming nakikitang tao, nagbibiro naman ohhh" si Joshua yon at siya rin ay isang babaero, malakas ring mangtrip.
"Pe-pero kitang kita ko yon sa mga mata ko, hindi pa naman ako inaantok at hindi naman ako uminom ng alak" aniya, agad itong bumaba para tignan niya kung wala ba talagang tao, hindi na ako mapakali at bumaba narin. Pero pumunta ako sa likod nitong bus ay laking gulat ko nang walang hangin yong dalawang gulong, parang sinadya siguro ito, hindi naman magkakaganito agad dahil ang tibay kaya nitong gulong.
"Bwaaaa"
"Kyaaaaaaa" sigaw ko nang ginulat ako ni Reynold, pareho lang silang malakas mangtrip.
BINABASA MO ANG
House Full Of Surprises(The Unknown Curse)
Mystery / Thriller♣Highest Ranking #87in mystery/thriller. [Sept.17, 2017] Isang sinumpang bahay na kapag merong pumasok dito ay tiyak na hindi na makakalabas, maraming katanungan ang maglalaro sa kanilang isipan na mahirap hanapan ng kasagutan, may maraming sekrito...