"CHAPTER 16"

90 13 4
                                    

Chapter 16
*Dark Flowers*

"Deanie Point of View"

Dinilat ko ang aking mga mata ko pagdilat ko ay nakita ko agad ang napaka lumang ilaw sa harapan ko.

"Saan na kaya ako" walang gana kung bulong dahil nanghihina pa ako, ang dami kung sugat at mga pasa na natamo sa aking katawan dahil sa patayan naming dalawa ni Ninya na ngayon ay patay na. Sino kaya ang tumulong sakin?.

"Oh iha gising ka na pala" tinignan ko sa bantang pinto ang isang nakatayong lalaki at medyo nasa 40s na ang katandaan.

"Who-who are you"

"Hindi nayon mahalaga at ang mahalaga ngayon ay gising kana pero mahina kaparin dahil sa daming dugong nawala mo" mahinahon niyang sabi sakin napaka gaan ng loob ko sa kanya napakabait.

"Cge po marami pong salamat sa pagtulong" sabi ko rito na may ngiting suot sa labi ehh alangan namang magalit diba.

"Cge na uminom ka muna nitong dark flower tea, makadagdag ng dugo ito isang dark flower na pinakuluan ng tubig" agad na niyang binigay sa aking dark flower tea? Ngayon lang ako nakarinig niyan. Agad ko nang ininom parang nadagdagan na ang aking lakas. Effective.

"Sarap naman lumakas ako lalo, salamat po"

"C'mon magpahinga ka na"

"Before that can i ask a question? What happen po nong nag collapse po ako hindi ko na po kasi na alala" tanong ko rito agad naman siyang bumuntong hininga at umupo sa isang upuan .

"Nong time kasi nayon ay nakita kitang binuhat ng dalawang robots at itinapon sa kagubatan, nagdadalawang isip pa akong tulungan ka dahil may umatake sayo at mukang pinitikan ka lang sa bandang likod mo para mawalan ka ng malay, nang nawala na ang halimaw nating kalaban ay agad kitang pinuntahan at binuhat. Ginamot kita rito pasensya na kung ang liit ng bahay hehe" pagpapaliwanag niya kaya pala nanghihina ako doon.

"Ganon po bang nangyari, okay lang pong maliit ang bahay dapat nga ako ang mahiya dahil nakakaabala na ako sa inyo" sabi ko rito naalala ko ang nangyari sa patayan, hindi ko inexpect na makapatay talaga ako ng tao.

"Hindi ka naka abala sakin okay lang, ako lang kasi ang mag-isa rito sa bahay kasi yong pinakamamahal kung babae ay wala na" yumuko siya alam kung malungkot siya pero anong nangyari sa kanyang mahal? Gusto ko sanang tanongin pero baka malungkot lang siya lalo.

"Ano po bang nangyayari?" Sabing hindi ko itatanong ehh nacurious talaga ako gusto kung malaman.

"Kasi yong misis ko pinatay siya sa a-" naputol ang kanyang sinabi dahil may bigla kaming narinig na ingay sa labas.

"Ano po yu-"

"Shhhh wag kang maingay" bulong niya sakin agad naman siyang may kinuha na isang bulaklak na hindi ko ma explain basta kulay bloody.

"Para saan po yan?" Tanong ko rito na nagtataka agad naman niyang binigay sa akin ang isang bulaklak, ano bang gagawin ko rito.

"Kainin mo yan para hindi tayo maamoy ng mga halimaw dali" aniya agad ko namang sinunod ang kanyang pinapagawa. Ang tamis ng lasa at lasang pineapple ang paborito kung fruit.

"Ang lasa niyan ay ang pinaka paborito mong prutas, anong lasa sayo" agad naman siyang ngumiti sakin at ginantihan ko naman.

"Actually po ay pineapple ang lasa, THIS IS SO AMA-"

House Full Of Surprises(The Unknown Curse)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon