Chapter 3
*The statue girls*
"Julie Point of View"
Nandito na kami sa loob ng bahay, napaka dami naman yata ng statue ng mga babae at may mga butas sa kanilang dibdib, ano bayan napaka weird naman.
"Weird" sabi ni Lorjean sakin na ginagala ang kanyang mga mata. Yeah it's true para yatang sabik ang may ari nitong bahay sa mga babaeng statue na para namang nasasaktan.
"Guys, parang ma-may mali yata rito" takot na sabi ni Deanie, sana naman marunong silang magpalakas sa kanilang mahinang dibdib. Pero nakakatakot talaga dito, ngayon lang ako nakakita ng ganito.
*togshhhhsgrrr*
"Whaaaaa, ano yon" sigaw na sabi ni Karleizl na animoy parang tukong kumapit sakin, kaasar...
"Huminahon ka lang Karleizl, may nabasag lang yatang made of glass na bagay" agad siyang bumitiw sa pagkayakap sakin, agad ko namang pinuntahan kung saan man yong ingay nayon...
Nang agad kung binuksan ang isang pintuan ay agad akong tumingin sa pusa. Pusa???? pusa lang pala ang nandito, pero weird then ng pusang 'to ahh, sa side ng mata nito ay kulay asul, sa kabila naman nito ay kulay pula, at may maiitim na balahibo. Weirdd...
"Pusa lang pala, hali kayo guys weird din nito" lahat ba talaga ng mga makikita namin dito sa bahay ay puro weirds. Agad kung kinuha ang pusa ng nakatingin ang tatlo dito.
"Wag mong kunin Julie baka kagatin ka" sabi ni Deanie sakin na bakas ang pagaalala.
"Ok lang, mahilig naman ako sa pusa, wala naman sigurong magagalit diba?"
"Ikaw ang bahala, mag-ingat ka jan" aniya. Agad ko itong kinuha pero nagkamali pala ako, akala ko mabait na pusa ito, pero napaka wild din pala at agad akong nakambras nito, ang tatalas pala ng kuko nito ang sakit talaga, agad naman itong tumalon sa may bintana, kaasar.
"Napaka dilikado pala yong pusang yon, nakakambrasan paako"
"Sabi ko nga sayo, wag na lang ayan tuloy" si Deanie yon na nag-alala sakin.
"Maliit lang to wala ito" helo kung sabi, tumingin ako sa mga kasamahan ko na medyo lumabo yata yong pananaw ko, at umiikot ang lahat, nakita kung nataranta sila pero diko marinig yon, nahihilo ako na parang mamatay na yata ako.
"Julieeee" rinig ko nang agad akong natumba at wala nang nakita kundi dilim.
BINABASA MO ANG
House Full Of Surprises(The Unknown Curse)
Misteri / Thriller♣Highest Ranking #87in mystery/thriller. [Sept.17, 2017] Isang sinumpang bahay na kapag merong pumasok dito ay tiyak na hindi na makakalabas, maraming katanungan ang maglalaro sa kanilang isipan na mahirap hanapan ng kasagutan, may maraming sekrito...