"CHAPTER 12"

63 12 3
                                    

Chapter 12
*Kidnap*

"Deanie Point of View"

Nagtataka talaga ako sa reaction ni Lorjean ngayon, ayaw na ba niya samin? Hindi naman ganito si Lorjean para yatang na truma pero bakit kaya nabuhay sila Ralphy at Reynold sa ganong pagkabagsak na parang basag na basag ang ulo pero ngayon parang wala lang nangyari. They acting na parang wala lang talaga.

"Parang may mali" sabi ko rito na curious na talaga.

"Anong mali Deanie dapat nga tayong magiging masaya, akalain mo sa ganong pagkahulog nila-" naputol ang pagkasabi ni Kevin iwan ko ba dito pero hindi ko naman masisisi, agad namang tumingin si Kevin sa tatlo "Oo nga no, pa-paano pala kayo nabuhay sa ganong sitwasyon?" Takang tanong nito agad namang napalunok ang tatlo, ano ba talaga ang problema ng mga 'to.

"May tinatago ba kayo samin na hindi namin alam?" Kent is right parang may tinatago sila at hindi makatingin samin ng daritso, may binulong sila pero hindi namin iyon marinig hmmm.

"Wa-wala naman" utal-utal na sabi ni Reynold parang mayron talaga, o will hindi na namin iyon dapat intindihin.

"Bakit ba kasi ayaw niyong pumasok? Ayaw niyo na ba samin kaya kayo ganyan? Ok lang samin yon" agad na akong pumasok at tumingin sa bilog ng buwan, ano ba kasi ang trip nila bakit sila ganyan ang laking pagbabago talaga. Tumingin ako sa baba at agad kung nakita ang dalawang babaeng halimaw na isang multo at isang wolf?? Mukang nakatingin rin sila sa akin kaya agad akong napaatras at napa-upo sa sahig. Ano ba kasi ito mukang guni-guni ko lang yon sana.

"Anong problema ok kalang ba Deanie" sabay na sabi ni Kent and Kevin agad nila ako pinatayo, agad ko namang itinuro ang bintana.

"Wala naman akong nakita" agad nang humarap sa akin si Kevin at si Kent. Nang humarap sila saakin ay agad naman akong may nakitang kamay sa bintana, ang puti nito baka siya yong multo o my god agad akong nanginginig at nanlaki ang mata para na akong maiiyak nang makita ko ang nakakatakot na mukha nito.

"Ano ba Deanie" mukang nag-alala na sila sakin, bakit ba kasi ako lang ang nakakita nito ayoko na ayoko na talaga. Nakatingin lang ako sa multo at nang nakatayo na ito sa likod nilang Kent at Kevin ay agad itong lumutang sa airy kaya agad din akong napa-upo.

*ahhhhahhhahhahhhh*

Ingay ng multong lumilipad sa airy mukang ako lang ang nakarinig noon hindi man lang sila nakaramdam noon, agad pa itong lumakas ng lumakas. At pumikit na lang ako.

"Haaaaaaaaaaa" agad akong sumigaw ng sumigaw nang naramdaman kung may yumakap sa akin.

"Deanie" may tumatawag sakin kaya unti unti kung iminulat ang aking mata.

"Haaaaaaaaaa" agad akong tumayo at tumakbo ng tumakbo dahil nakita ko ang babaeng multo, ayoko na nito akala ko ba takot ang mga yon sa Imahe takbo lang ako nang takbo, hindi parin ako huminto kahit mayrong tumawag sa pangalan ko. Hindi ko na alam kung saan na ako napadpad bastat nandito na ako sa labas ng bahay.

"Deanie-deanie-nie-nie" nag e-echo ang boses nito ano ba kasi ito ayoko na takot ako sa ganito. Naglakas akong humarap sa bahay pero wala namang sumusunod sakin pero rinig na rinig ko parin ang nag e-echong boses nito na tinatawag parin ang aking pangalan agad akong naglakad papalayo ng nakita ko ang isang lobo na maitim ang balahibo at ang red ng mata sa kabila at blue rin sa kabila, sa totoo lang cool siya dahil sa mata niya pero wala akong time para humanga.

House Full Of Surprises(The Unknown Curse)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon