-*-*-*-
ThisisMeKayr's Note^_^V:
Repapipz! Weeee! Hihi! Wala lang.. Nakikisingit ulit. Huhu T_T!!! Ang hirap pala kapag 3rd person ang POV. Feeling ko di lang ilong ko dumugo, dumugo rin pati utak ko! Hirap mag-express! Salamat nga po pala sa support sa last chapter! Sana po suportahan niyo rin po ito..Third Person's POV parin po tayo rito. Isang hirit pa! baka kayanin ko na.Tanxue!!!
-*-itsme.
-*-*-*-
Nagsipasok na ang mga estudyante sa kani-kanilang classroom dahil nagbell na, ibig sabihin magsisimula na ang klase. Nasabi sa orientation na kung sino man ang mahuli sa kanilang klase ay mapaparusahan at mananatili sa reflection room.
Magulo ang klase nila, may nagchichismisan, nagtatawanan, nagbabatuhan ng mga papel at may mga nagtetext o may katawagang iba sa cellphone. Sila Zie at Nerf naman ay nakaupo lang pareho at nakasandal sa kanilang mga silya. Ang grupo naman ni Gazel ay nagchichismisan lang. Tumahimik ito bigla ng pumasok si Jaycee kasama ni Kring at Kian na nakabuntot dito. Pinagtitinginan siya ng lahat, maging ni Zie at Nerf kaya napahinto ito.
Jaycee: "Tingin lang, para atleast magamit niyo muna ang mga mata niyo bago ko ipadukot ng isa-isa yan.." pagkasabi niya noon ay bigla nalang umingay at bumalik sa kanya-kanyang business ang lahat. Si Jaycee naman ay nagtuloy-tuloy sa kanyang upuan, binaba ang bag, umupo at sumandal, sinalampak ang kanyang earphones at pumikit. Sinundan siya ng tingin ni Zie na magulo parin ang utak dahil sa mga napapansin niya sa dalaga. Sila Kian at Kring naman ay sumunod nalang.
Isang hilira sila sa pinakalikod. (ito po ang arrangement nila)
kian-jaycee-kring-zie-gazel-nerf
denise-phil-rica
Maingay parin ang buong klase. Si Kring at Kian ay nagtitinginan. Nabigla kasi si Kian pagkakita nito kay Zie. Di niya aakalaing magiging kaklase niya ang lalaking sinasabi niyang karibal.
Nerf: "Kring, saan kayo galing??" baling nito kay kring, umalis si Gazel at umupo katabi ang grupo nito at nagchismisan.. Kaya lumipat si Nerf sa upuan ni Gazel. Biglang napaatras ng konti si Zie.
Zie: "Konting distansya naman 'tol.." tinulak nito ng konti ang mukha ni Nerf na halos maduling na siya sa lapit nito sa mukha niya.
Nerf: "Pasensya naman 'tol.. oh kring? san nga kayo galing??" nilingon naman siya ni Kring.
Kring: "Ah.. Sa ano.." di nito matuloy ang sasabihin dahil naghahanap pa siya ng isasagot dito.
Kian: "Sa rooftop.." pagsingit nito.
Kring: "Oo. Tama. Sa rooftop..hehe!"
Nerf: "Ah.. rooftop. Ano iyon?"
BINABASA MO ANG
Shadow's Face(Love vs. Revenge)ONGOING
Teen FictionPaano.. Kapag dumating ang oras na nalaman mong.. Ang pamilya pala ng taong mahal mo.. ..ang dahilan ng pagkawala ng pamilya mo??? Anong pipiliin mo??? To LOVE??? or To REVENGE???