“Ano na naman kaya ang habol niya ngayon?” tanong ni Zie.
Di niya talaga lubos maiisip na pagkalipas ng dalawang taon ay magkikita sila ulit.
Napakahabang panahon pero tila bumalik nalang bigla ang samo’t –saring pakiramdam.
“Tol, wag ka ngang OA pwede? Nagkita lang kayo ng hindi sinasadya. May habol na agad?”
(“Ewan ko lang talaga. Pero ang mga mata niyang iyon.. Alam kong may hindi magandang mangyayari.”)-Zie.
“Sorry. Natagalan.” Kakapasok lang ni Jaycee sa sasakyan. Sa passenger’s seat siya nakaupo. Tabi ni Zie. Si Nerf naman sa likod.
“Oh Jaycee, san ka nga?? Hatid kana namin. Diba Zie? Okay lang?”
(“Aggh! Kung makapag-alok parang kanya itong sasakyan ah. Pinapasubo ako ng tukmol na ito eh.”)-Zie.
Nagkatitigan na naman si Jaycee at Zie.
“Sure. I mean Yes.” Ang salitang lumabas sa bibig nito.
Di niya talaga maialis sa isip niya ang maihambing si Jaycee kay Jianne.
“As I was saying kanina. May pupuntahan pa ako. I don’t want to disturb you guys. Magco-commute nalang ako.”
(“Anuu ba ito?? Baka mahuli ako sa lakad ko eh. Ang kulit pala nitong dalawa -__-“)-Jaycee.
“Jays, hatid kana namin. Late na oh. At tsaka di na natin alam ang panahon ngayon. Nagkalat na ang mga masasamang loob dyan.” Mungkahi ni Nerf.
“I’m fine. I could handle. So never bother.”
“No. I insist.” Sabi ni Zie.
(“Aish. Ang kuleeet! Kaya ko naman ang sarili ko ehh. Di naman talaga ako magtataxi lang. Andyan ang Enzo ko. Di ko nga lang makuha kasi andito ang Chickenpox nato.”)-Jaycee.
“Wag na.. Kaya ko naman eh.”
(“Ilang ulit ba ako kailangan magresist sa dalawang ito?? Kainis na ha -_-#”)-Jaycee.
“Di ko naman tinatanong kung kaya mo o hindi eh.” Zie.
Nagkatitigan na naman silang dalawa dahil sa sinabi ng binata.
(“Hanuu daw?? Aba! Ang tindi ng tabas ng dila nitong Chickenpox na ito ah. Konti nalang talaga. He’s getting to hit the nerve.”)-Jaycee.
BINABASA MO ANG
Shadow's Face(Love vs. Revenge)ONGOING
Teen FictionPaano.. Kapag dumating ang oras na nalaman mong.. Ang pamilya pala ng taong mahal mo.. ..ang dahilan ng pagkawala ng pamilya mo??? Anong pipiliin mo??? To LOVE??? or To REVENGE???