(Kring's POV)
Craziness Time is Malling Time. Haha! Kailangan magliwaliw pampatanggal ng init ng ulo. Relax ako ngayon eh.. CHILLAX. Siguro naman nalaman niyo na from my talkative bestfriend na di kami okay nung asungot na yun!
Bahala nga siya sa buhay niya! Isip batang yun!
Teka! Kailangan ko nga palang magmadali kasi booksale ngayon eh. Huhu! Baka maubusan ako.
***Booggsshh!***
"Aray! Ano ba!"
Tokwang taong ito! Sakit nun ah. Napaupo tuloy ako sa sahig. Kakahiya. Minadali ko ng pulutin ang mga gamit ko. Nagkalat na. Kaasar!
"Naku Miss sorry.."
Teka. Familiar yung..
Pagtingin ko sa kanya..
O___O!!!
"Ikaw???" Kaming dalawa.
"Pagminamalas ka nga naman oh.." pagpaparinig ko habang pinupulot yung mga gamit ko.
"Sorry Kring.."
"Ako na.. Kaya kong pulutin mga gamit ko." Tinutulungan niya rin kasing pulutin mga gamit kong nalaglag. Pero inaagaw ko. Sana lang matapos kami nito.
"Hindi. Tutulungan na kita."
"Kaya ko. Di kita kailangan."
Tumayo na ako at nagsimulang maglakad.
"Teka lang naman.." Napaharap ako sa kanya dahil sa paghablot niya ng braso ko. Aba.. Dinadagdagan pa ata ang kasalan sa akin.
"Ano bang gusto mo??"
"Ikaw.."
Ano daw? Di ko masyadong narinig eh.. Ang pagkakarinig ko "asdgh". Alien language ata yun eh. Di ko nagets.
"Ano? Nagpapaka-Alien kana naman eh." Nagsimula na naman akong maglakad na. Shocks. Baka di ko na maabutan yung mga favorite books ko.
"I mean, gusto kitang makausap tungkol sana dun sa pictures."
"Anong pictures??" Naglalakad kami habang nag-uusap. Andaming tao ngayon. Kaya siya nakikisingit ng maigi sa mga nakakasalubong namin para mahabol ako sa paglalakad. Buti nga sayo!
"Ano ba.. Saglit lang kasi." Hinablot niya na naman ang braso ko. Nakng!
"Hoy! Nakakarami ka na sa panghahablot sa braso ko ha! Masasapak na kita."
"Sorry na. Yung sinabi mo kasi kaninang di mo ako kailangan. Parang double meaning yung dating sa akin eh."
"Abaaa.. May dating na pala ngayon yung mga sinasabi ko sayo? Pero yung sinabi ko sayo nung nakaraan na wag kang tumuloy dun sa lintik na bar na yun, walang dating? Sabagay. Kapag gusto, maramig paraan. Tinde mo." Lakad ulit.
"Mga kaibigan ko lang naman yung kasama ko eh."
Napahinto na ako. Naiinis na ako ha. Sige. Ipagpatuloy mo yan at ng mabangasan kita. Konting-konti nalang.
"Ano? Kaibigan? Tingnan mo nga naman ang panahon ngayon oh. Kapag magkaibigan pala pwede ng maghalikan sa kung saan."
"Wait. I can explain."
BINABASA MO ANG
Shadow's Face(Love vs. Revenge)ONGOING
Teen FictionPaano.. Kapag dumating ang oras na nalaman mong.. Ang pamilya pala ng taong mahal mo.. ..ang dahilan ng pagkawala ng pamilya mo??? Anong pipiliin mo??? To LOVE??? or To REVENGE???