Sabi ng Nanay ko, wag ko raw idaan sa iyak ang pagkabigo sa pag-ibig.
Idaan ko raw sa dasal.
Pero may mga sakit na di na kayang ikubli ng mga bulong na panalangin;
Hapdi na kaya lamang lunasan ng luha at hikbi.Sawang sawa na akong mag-isa.
Natalo na naman ako ng lungkot,
Dinaig na naman ng lumbay.
At ngayo'y kailangan ko nang yakapin ng mahigpit
Ang aking unang sanggalang ko sa mga tengang mapangusisa at mga matang mapangsiyasat.Ayos lng ako.
Magiging ayos rin ako.
Hayaan mo lang akong umiyak
Hanggang sa mapagod.
![](https://img.wattpad.com/cover/108710358-288-k970420.jpg)
BINABASA MO ANG
Mga Lihim na Tula (SECRET POEMS)
PoetryIto ang lihim na koleksyon ng mga tula ko para sa'yo, tungkol sa'yo at dahil sa'yo... Hindi ko pa handang ibahagi ang mga ginawa kong tula sa iyo dahil masyado pa akong napupuno ng poot, ng galit at sakit. Kaya pagbigyan mo na ang pamamahagi ko ng...