Gising ka pa ba?
Naiisip mo pa ba ako?
Hinahanap mo ba ang init ng yakap ko?
Ang kaba na dulot ng pagdampi ng palad mo sa aking kamay?Kung anong napakadali para sa iba,
Siyang napakahirap para sa akin.
Binabalewala lang nila
Ang tangi kong hangarin.Kanina pang paikot-ikot,
Ginugulo ang mga unan at kumot
Pinipilit takasan ang liwanag
At mga halimaw sa isipang ayaw magpatulogSamantalang siya...
Siya ay mahimbing,
Sa lugar ng mga panaginip;
Gigising sa piling ng kanyang pinili
Habang ako'y di pa rin dinadalaw ng idlip.
BINABASA MO ANG
Mga Lihim na Tula (SECRET POEMS)
PoesíaIto ang lihim na koleksyon ng mga tula ko para sa'yo, tungkol sa'yo at dahil sa'yo... Hindi ko pa handang ibahagi ang mga ginawa kong tula sa iyo dahil masyado pa akong napupuno ng poot, ng galit at sakit. Kaya pagbigyan mo na ang pamamahagi ko ng...