Dahil may mga araw na mas mabigat kaysa sa karaniwan.
Title: Bitaw
By FoxyfateMay mga araw na gusto kong bitiwan at kalimutang maniwala
Na ang pag-ibig ay nangyayari at nagtatagal.
May mga araw na kailangan kong kumbisihin ang aking sarili
Na hindi pagkakamali ang manalig sa pagmamahal.
Sa mga araw na ito, sumusuko ako dahil sa pagod; lungkot,
Magkahalong pait, pagdududa at kung minsan poot;
Mag-isang tumititig sa salaming walang maibibigay na sagot,
Naghahanap ng solusyong sa puwang na hindi mapunuan.
Tahimik, nag-iisa, takot na takot, walang magawa,
Dahil ang mga araw na yun hindi ko magawang bawasan
Sa halip dumadalas ang pag-bisita.#tula #salita #poem #poetry #freeverse #expression #words #spokenword #daminghugot #whogoat
BINABASA MO ANG
Mga Lihim na Tula (SECRET POEMS)
PoesíaIto ang lihim na koleksyon ng mga tula ko para sa'yo, tungkol sa'yo at dahil sa'yo... Hindi ko pa handang ibahagi ang mga ginawa kong tula sa iyo dahil masyado pa akong napupuno ng poot, ng galit at sakit. Kaya pagbigyan mo na ang pamamahagi ko ng...