Sa Pagitan ng Kulang at Sapat

282 0 0
                                    

Sa pagtahak sa daang nilatag ng tadhana para sa ating dalawa,
May nauna, may nahuli, ngunit Sinimulan pa rin ang paglalakbay. Naghahanap, nagmamasid,
Nakikiramdam sa bawat hakbang;
Nagtatanong, nagtataka,
Nagdududa kung saan matatagpuan ang pag-ibig na pinapangarap.
Sa pagitan ng kulang at sapat
Doon mo matatagpuan ang puso ko;
Tahimik na nakahimlay,
Nababalot ng takot, pangamba at
Panakanakang pangungulila
Pero matyagang umaasang
Gigisingin ng yakap mo.

Sa pagitan ng kulang at sapat
Doon mo masusukat ang pag-ibig ko,
Na madalas hindi alam kung ano ang gusto
Pero pagdating sa ayaw ay laging sigurado.
Minsan matatanga o mabobobo
Pero laging pipiliing maging tapat at totoo.
Andon lamang ako, nagaabang.
Hindi ko pa natatanaw ang anino mo.
Hindi ko pa rin naririnig ang yabag ng iyong mga paa.
Baka tulad ko, naligaw ka rin at nahiyang magtanong,
Nagkamali ng nilikuan at nagdesisyong tuklasin na lang muna kung ano ang nasa dulo.
O baka naman napahinto ka na at tuluyang napagod ituloy ang paglalakbay... Andito ako. Nandiyan ka.
Sana bukas magkita tayo sa pagitan ng kulang at sapat
Sabay nating punuuan ang kulang;
Maging sapat sa isa't isa.

#poetry #poetrycommunity #poem #love #waiting #freeverse #words #letters #tula #pagibig #letra #titik #tayo #spokenword #slam #buttonpoetry #speakeasy #practicallove #poetrybyfate #hugot #daminghugot #tadhana #pagibig

Mga Lihim na Tula (SECRET POEMS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon