Multo"Hello everyone! My name is Coleen Garcia. 18."nag flyingkiss pa yung maldita. Hup! AKO NA PALA YUNG SUSUSNOD! SHETTTT!!!
Bernabe
Bernabe
Bernabe
Bernabe
BERNABE!
GEEZ!
Halos utusan ko na yung lupa para kainin na ako ngayon din! Punyemas! I'm so damn nervous right now! And I'm sure! My face is red as chili! Shit! Para akong naglalakad sa buwan na sobrang bagal.
"Ay ate bilis! Pabebe pa eh!"
Halos umusok ang tenga at butas ng ilong ko ng may biglang sumigaw. Tahimik ang mga istudyante kaya rinig na rinig nung sumigaw sya. Ng isigaw nya yun ay nagtawanan ang lahat at ang iba ay sumangaayon pa sa kanya. Marahan kong kinuyom ang kamao ko na agad din namang nawala. Relax bes. Relax.
"NERD!"
Narinig kong sigaw sa kungsaan. Pumikit ako at tinanggap ang mic na hawak ni Leonor. Ngumisi sya sa akin kaso hindi ko yun sinuklian. Nanginginig ang kamay at binti ko ng humarap ako sa sang katutak na istudyante. Ginala ko ang paningin ko at mabilis kong nakita ang mahal kong kapatid dun sa gilid at seryosong nakatingin sa akin. Mukha rin syang iritado. Nasa likod nya yung mga kasama nya kanina.
"NERD ANO BA?! TATANGA NA LANG?! HAHAHA"nanggilid ang luha ko dahil sa sigaw na yun. Shet! This is what I hate introducing! Fuck!
"NERD COME ON! SPEAK!"
"ARE YOU TANGA?! HAHAHA"
"ANOTHER FREAKING NERD!"
Sigaw nila. Puta! Yung luha ko!
"M-M-My n-name i-is.."shit! Nanlalabo ang mata ko dahil sa luha ko! Oh god! Not now! Tiningin ko ang mata ko sa itaas para mawala ang luha ko. "I-I-Icee B-B-Bernabe.."nagbow ako kasabay ng pagtulo ng luha ko na parang water falls. Umiling ako at tumakbo na pababa. Iniwan ko ang mic sa sahig ng stage. Narinig ko ang tawanan ng mga istudyante dahil sa ginawa ko. Sinigaw na rin nila yung "NERD" na lalong nagpaiyak sa akin. Shit!
FIRST DAY PA LANG PERO NAPAIYAK NA AKO! SHETTTT!!!
Pano pa kaya pag nag tagal ako dito? Ano yun? Araw araw akong iiyak? Hell no!
Naramdaman ko ang marahas na paghila sa kamay ko kaya napa hinto ako at halos lumipad sa dibdib ng kapatid ko.
"I'm so sorry,sis."umiyak ako sa dibdib nya. Hinampas ko pa yun at inisip na yun yung mga nag sisisigaw kanina dun. Ininda nya ang pagsuntok ko sa kanya. At niyayakap na lang ako.
"You need to change. I'll drive you home."sabi nya. Tumango lang ako dahil gusto ko nalang matulog maghapon!
Dun ulit ako sa càfe nagpalit. Nakayuko ako habang papasok dun para hindi nila mapansin ang pamamaga ng mata ko. Hindi ko na din pinansin si kuya guard. Dumeretso ako sa cr at dun ulit umiyak at tinignan ang sarili sa salamin. Nagpalit na ako ng damit na suot ko papunta dito. I'll tell Ace na lang na sana wag ng makarating ito kay Mama.
Halos kalahating oras ata ang tinagal ko dun. Buti na lang walang umiihi kaya nakatagal ako. Inayos ko ang sarili ko bago lumabas. Tutal wala na din namang tao sa càfe at nagsinda alisan na yung mga istudyante dito kanina ay nakabili na ako. Isang coffee shake ang inorder ko at umalis na. Nginitian ko si kuya guard.
Nakasandal yung kapatid ko sa sasakyan nya at inip akong hinihintay.
"Aba'y bilisan mo naman! Tutugtog pa kami!"sabi nya. Tumango lang ako at pumasok na sa passenger seat.