Blind Love 6: Paktay!

10 2 0
                                    


Paktay!

Nakayuko ako habang naglalakad sa hallway kung san papunta na sa cafeteria para mag lunch. Late na kami sa 11:45 na lunch time. 12:30 na at buti na lang may 1hour vacant kami kaya okey lang na ganto kaming oras mag lunch. Si Sunshine ay taas noong naglalakad. Di alintana ang mga matang matatalas pa sa blade.

"God! Waste everywhereee~"

"My skin! Ghad! My eyes! Ghad!"

"Mga basura! Get hell out of here!"

Nakita ko ang pagkuyom ng mga kamao ni Sunshine kaya naman napatingin ako sa kanya.

"Pigilan mo ako! Masasapak ko yang mga pesteng yan! Pigilan mo ako!"nanggagalaiting sabi nya. Tinawanan ko sya at agad ding bumalik sa pagkakaseryoso.

"Hindi kita pipigilan."napatingin sya sa akin at ngumuso. She's perfect. If she's not wearing that weird clothes (weird din naman yung akin. Pero mas weird sya) and the boots. Her long and curvey hair is so damn perfect!(paktay! Pinalo ko ang bibig ko ng magmura ako sa isip. Stupid!) Nakalugay ito. The braces is beautiful, her skiny skin. Long leged. Ang magandang hubog na katawan. Ang magagandang kuko. At mas lalo syang gaganda kung tatanggalin nya ang kanyang salamin. She's perfect. While me..a nobody.

Lumiko kami pagkatapos ng pagka haba habang paglalakad. Ke laki laki naman kasi ng school na 'to. Dun sa probinsya, magbibilang ka lang 20ng step andun ka na. Eh dito? 1000! Jusko!

Medyo puno pa ang cafeteria ng dumating kami. Pero may mga vacant na mga lamesa na. Pumunta kami dun ni Sunshine. Hindi pa rin nakatakas sa akin ang mga nandidiring tingin nila. Pinabayaan ko na lang. Bahala sila. Kawalan nila, hindi namin.

"Want?"tanong nya. Umupo kami pareho sa pangdalawahang lamesa.

"Kahit ano."sabi ko at nilabas ang wallet ko pero bago ko pa mabuklat ay pinigilan na nya ako.

"Wag na. Tutal first day, treat ko na."kinindatan nya ako. Nagulat ako sa sinabi nya kaya mabilis akong umiling.

"Naku! Wag na noh. Treat ko na lang."sabi ko. Pero inilingan nya ako.

"Tch. Wag ka ng makulit. Treat ko na."sabi nya. Bago pa man ako makaangal ay tinalikuran na nya ako. Naiwan akong magisa sa lamesa. Yung mga katabing lamesa namin ay panay ang bulungan kesho daw 'ang baho' 'malansa' 'amoy basura' at kung ano ano pa. Dedma na lang.

Mabilis lang na nakaorder ng lunch si Sunshine. Tatayo na sana ako para tulungan sya ng bigla syang madapa. Nanlaki ang mata ko dahil napadausdos sa sahig si Sunshine at ang kanyang inorder ay natapon ang iba ay natapon sa damit nya. Uminit bigla ang butas ng ilong ko.

Sinong maharot---!!!

Napatingin ako sa babaeng tawa ng tawa kasama ang kanyang mga kagrupong malalantod. Tinignan ko sila isa-isa ng masama. Napatingin sa akin ang isang kauri nila at pinagtaasan ako ng kilay. Inayos ko ang salamin ko at lumapit kay Sunshine na patayo na galing sa pagkakadapa.

Walangyang babae! Pinatid nyaa! 

Pinalibutan kami ng mga istudyanteng mga tsismoso at tsismosa. Tila nageenjoy sa mangyayaring palabas. Nilihod ko si Sunshine at tinulungang ayusin ang sarili. Unti unti nyang tinaas ang paningin nya sa grupong nangpatid sa kanya.

"Oh! Lumalaban ang basura. Hahaha"chorous silang tumawa. Nagigting ang panga ko. Mga DEMONYO!

"Sun,wag mo ng patulan. Bayaan mo sila."sabi ko ng aamba na syang sumugod.

Inalalayan ko syang tumayo, susugod pa sana sya ngunit hinila ko na sya paalis dun. Pumunta ako sa lamesa namin at kinuha ang bag naming dalawa. Hinila ko sya palabas ng cafeteria at pumunta kami sa Cr. Nilock ko ito.

Blind LoveWhere stories live. Discover now