Chapter 4

17 0 0
                                    

//CHAPTER 4//

#Jireh p.o.v#

Hindi ko alam kong ano ang ire-react ko sa nakita ko. Gusto kong lapitan at sugurin si Dad dahil sa ginawa niyang panloloko kay Mom, pero sa isang banda mas nagagalit ako dahil bakit sa lahat pa ng babae ay si Ella pa. Hindi ko siya gusto pero aaminin ko na attracted ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakit lagi ko siyang iniisip pero alam ko naman na hindi siya ang  babaeng dapat kung seryosohin. Alam ko naman na magkaiba ang mundong ginagalawan namin, at malaking kasiraan sa pagkatao ko at ng pamilya ko kung sakaling maging kami man.

Lalo pa ng makita ko sila ni Dad na lumabas sa isang v.i.p room. Nilingon ko si Dad na sumakay sa kotse. Mabuti at hindi niya ko nakita dahil hindi ko rin alam kung ano ang magagawa ko kung sakaling makaharap ko siya. Nakita kong umupo si Ella sa isang stool sa bar counter. Tumayo ako para lapitan siya. Umupo ako sa katabi niya at tinignan ko lang siya. Para pa ngang hindi niya ako napapansin. Ang totoo hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit ko siya nilapitan. Marami akong gustong sabihin sa kanya, mga gustong itanong pero hindi ko alam kung san ko uumpisahan. Tinignan ko lang siya at bahagya pa kong nagulat sa suot niyang damit. Yung suot niya kasi ay yung katulad ng suot niya nung nakita ko siya sa building ng kumpanya namin. Si Dad ba ang dahilan kong bakit siya naron.

Nakita ko namang inisang inom niya yung wine na nasa baso niya. Nagsalin pa siya ulit at ng iinumin niya ulit sana ito ng agawin ko at inisang lagok. Bahagya pa siyang napanganga ng makita niya ko dun.

"What are you doing here?" nagulat ako hindi dahil sa sinabi niya kundi dahil sa salita niya. Napaka fluent kasi ng pagkakasabi niya na para bang bihasang bihasa siya sa English.

"What? Tititigan mo nalang ba ako?" tanong niya ulit sa akin.

"Magkano ka ba?" nabigla rin ako sa sinabi ko pero hindi ko na rin binawi,  dahil siguro sa galit at inis na nararamdaman ko.

"Your drunk" statement yung pagkakasabi niya.

"I was wondering, ganyan na pala yung mga magnanakaw at holdaper sa kalye, inglesera. Level up." hindi siya sumagot sa pangungutya ko sa halip nagsalin pa siya at uminom ulit ng wine.

"So? Magkano ka na nga kasi?" ulit ko

"Hindi ako ganong klaseng babae."

"Talaga lang huh?" bakit kasi kaylangan niya pang magdeny

"Tumigil ka kung hindi.."

"What? Anong gagawin mo huh?" panghahamon ko sa kanya. "Bakit hindi mo nalang kasi sabihin kung magkano ka, ibigay mo yung presyo mo at babayar---"

*boogshh*

"Baka gusto mo ikaw ang bilhin ko?" sabi niya pagkatapos niya akong suntukin ng malakas. Umalis siya at iniwan niya akong nakahandusay sa sahig hawak hawak ang mukha kung napuruhan niya.

###############

"Wake up Son. Tanghali na, bakit ka naman kasi nagpakalasing" hindi ko pinansin si Mom sa halip i hid myself under the pillow.

"Son, come on."

"Hmm" naramdaman ko namang niyugyog niya ako ng marahan. "Mom, inaantok pa ko."

"Son, sasamahan mo ko sa salon right. You  promised that" bumangon na ako kahit na masakit pa ang ulo ko, alam ko naman kasi na hindi ako titigilan nito hanggat di ako tumatayo. Hayy, bakit kasi nag iisa lang akong anak at hindi ko rin maintindihan kung bakit kailangan ko pa siyang samahan sa salon kung puede naman siya pasama sa mga amiga niya.

"Hay, Mom, pasalamat ka mahal kita."

"Well, thank you son and i love you too. Go change your clothes, you stink"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 18, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Gorgeous ThiefTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon