Bratinella.01

12.2K 178 22
                                    

Bratinella.01

Year 2000

"Akin to!"

"Akin 'yan!" sabay agaw ko sa kanya ng isang cute na cute na Barbie doll.

"Akin 'to! Ako ang nauna dito!" 

At sumasagot pa talaga ang patpating mukhang nerd na batang pangit.

"I like it, that's why it's MINE!" pinandilatan ko siya nang mata sanhi para umatungal na siya sa pag-iyak.

"Tss!" finally ay nahugot ko rin sa mga pangit niyang kamay ang bagong labas na Barbie.

I grinned. Winner na naman ako. Eh sino bang makakatalo sa akin? What I want is what I always get.

Suddenly, dumating na si Mama.

"Ella! Nandito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap, bata ka." napatingin si Mama dun sa batang umiiyak dahil inagawan ko ng Barbie doll.

"Why is she crying?" Mama asked me.

I just shrugged my shoulder, "I don't know. Baka napuwing lang. Let's go 'Ma, bayaran mo na 'tong Barbie doll ko and then ibili mo na 'ko nung dress sa boutique kanina."

"Okay baby."

Kumapit na ko sa kamay ni Mama and just before we turn our back dun sa batang inagawan ko ng laruan ay nag-smirk pa ko sa kanya at binelatan siya.

~~

Year 2013

"Ella, pakibaba ng mga maruruming damit mo. Lalabhan na ni Aling Trining!" sigaw ni Mama mula sa ibaba.

"Tss! Ayoko, tinatamad ako! Let Aling Trining go up here to pick those things!" sigaw ko rin kay Mama habang nakadungaw ako sa railings.

Nakita kong napailing nalang si Mama at saka inutusan yung labandera namin para kunin ang mga maruruming damit kong nakakalat. Tss, dapat lang noh. Kaya nga siya binabayaran para magtrabaho eh! Maswerte naman siya kung ako pang bababa dun para iabot sa kanya ang mga damit ko.

Dumungaw ako sa bintana mula sa ikatlong palapag ng aming mansyon.

Yes, I'm living in a MANSION.

Mayaman kami eh. Super rich ang parents ko. And our family is one of the most powerful families in our town. Actually, wala naman akong partikular na bagay na tinitignan.

Ito ay ang aking LITTLE MANSION lang naman. The place where I used to play and hide.

Ako ang nakaisip ng design ng little mansion ko na 'yan. Kaya nga Fashion Design ang course ko eh. Actually, para na rin siyang bahay. Yung mga kasinlaki ng bahay ng mga poor, sabi ko nga kay Mama lagyan ng second floor kaso sabi niya play room ko lang naman daw yun so why bother?

Lumaki akong lahat ng gusto ko, dapat nakukuha ko. Lahat ng pag-aari ko, dapat akin lang. Walang pwedeng umagaw. Walang pwedeng umepal.

At pagdating sa pagpapatakbo ng buhay ko? Of course ako lang ang dapat magdesisyon para sa sarili ko. Para saan pa't nabansagan na rin lang akong ELLA BRATINELLA?

Pwera nalang kapag galit si Papa or umiral na naman ang pagiging istrikto niya. Hindi ko talaga makokontra kung anuman ang gustuhin niya. But that's not a big problem. Lagi naman akong kinakampihan ni Mama at hindi naman mananalo si Papa sa Mama ko.

Ako ang kaisa-isang tagapagmana ng mayayaman kong magulang.

And of course, as their one and only heiress, ako lang rin ang mapagpapasahan nila ng negosyo namin. But... doon yata nagsimula ang "problema".

Ella Bratinella #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon