Bratinella.32.2

3.7K 46 3
                                    

Bratinella.32.2

Nathalie Love and Nefthali Reyes are siblings. And yes, they are the son and daughter of Nick Reyes, my dad's former best friend and now, his mortal enemy.

Ang matinding pag-aaway nila ang naging dahilan kung bakit kami naghiwalay ni Love. Aminado si Dad na sya ang may kasalanan sa away nilang yun. kung hindi daw sya nalulong sa sugal, hindi daw sana babagsak ang negosyong pinagsososyohan nila ni tito Nick at hindi sana mamamatay ang matandang ina ni tito na siyang lola nina Love at Nef.

After the death of his mother, halos sumpain nya ang pamilya namin. he promised na kapag makabangon silang muli ay babalika nila kami upang gantihan. And I think that now is the time for their revenge.

Sabi ni Daddy galing daw sa office nya kanina si Nick Reyes at sinabing gusto daw akong maka-meeting or else ay pupulutin kami sa putikan.

Wala kaming kaalam-alam na ang mga Reyes pala ang silent partner ng kompanya namin at nina Ella. and he also has the biggest share in the company. halos kapantay lang ng pinagsamang share namin ng pamilya ni Ella ang share ni Nick Reyes sa kompanya.

At once na i-withraw nya ang share nya, maba-bankrupt rin ang kompanya. Wala man akong kaalam-alam kung bakit ako ang gustong maka-meeting ni Mr. Reyes ay pumayag na rin ako, for the sake of our company, of me and Ella's future.

But to my surprise, it was not Nick Reyes that I saw in the meeting place, but rather Love Reyes. Maluwag ang mga ngiti niya nung salubungin nya ko.

Then she kissed my cheeks, "How are you Babe?"

"I've no time forthis Love, where's your Dad?" diretso kong sabi kasabay ng marahang tulak sa kanya.

"Oh, my Dad? I'm sorry, pero hindi sya makakarating eh. That's why he sends me here as his representative."

"Tss," nainis ako, tila may ibang pinaplano na naman kasi si Love.

And she's abusing their power and money para lang magtagumpay sa plano nya.

"Maupo ka muna Grey at mag-snack muna tayo," she said at saka bumalik sa upuan nya.

Pero hindi ako sumunod, "I'm sorry Miss Reyes, baka pwede mo ng sabihin yung pinapasabi ng Dad mo. May lakad pa kasi ako."

3:45 na.

Naalala ko ang usapan namin ni Ella.

 "Ganyan ba ang tamang pagturing sa co-shareholder niyo?" makahulugang tanong niya.

And then, she just hit the line. Napilitan akong umupo at sumunod sa bawat sasabihin nya.

Hanggang sa abutin na ng gabi ay ayaw nya pa rin akong paalisin. Hindi naman ako makapagtext dahil animo bundok 'tong pinagdalhan nya saken at walang kasignal-signal.

Wala rin akong text na natatanggap simula pa kanina. I look at my watch. It's almost 10pm.

Sh*t.

"I need to go," paalam ko na kay Love.

"Pero Babe—" hinawakan niya ang kamay ko, at tila nagsusumamo ang mga mata.

"Tara, ihahatid na kita," medyo lasing na rin kasi sya sa ininom niyang wine.

Pero bago ko ihatid si Love ay sinubukan ko munang puntahan ulit si Ella sa campus, baka kasi naghihintay pa rin yun dun hanggang ngayon.

 And there, ang laki ng pagsisisi ko na hindi ko pa hinatid nalang si Love sa kanila. Wala pa man kasi kami sa campus ay may namataan na agad akong dalawang pamilyar na taong magkaakbay at magkasukob sa iisang payong.

 "Is that your wife?" may pag-aakusang sabi ni Love. "OMG, sabi ko na nga ba, she's dating y brother eh! Madalas ko kasi silang makitang magkasama ni Nef. Infairness, bagay naman sila."

Napadiin ang hawak ko sa manibela habang matamang nakatitig lang sa kanila—kina Ella at Nef.

Nakita kong sinakay ni Nef si Ella sa kotse nya. sinundan ko sila hanggang sa makarating kami sa mismong bahay namin.

"At ang lakas ng loob iuwi sa bahay niyo ang lalaki nya ha.." bulong ni Love.

Patuloy ko lang silang pinagmamasdan habang nasa di-kalayuan ang kotse ko. Lalo pa kong nanggalaiti nang makitang pinapasok nya sa bahay si Nef.

Ilang minuto rin akong naghintay sa kanila bago tuluyang umalis si Nef.

"Pleasure with the quickie huh?" may halong pang-aasar na sabi pa ni Love, and then tumingin siya saken, "Wanna have a sweet revenge?"

Ilang minuto pa matapos tuluyang makalayo ng kotse ni Nef ay pinaandar ko na rin ang kotse ko papasok ng garage.

Pagkababa ko ng kotse ay agad kong nakita si Ella sa may pintuan at nakatitig lang sa akin.

Tss, akala mo ulirang asawa na handing maghintay magdamag sa asawa nya.

Nakita kong patakbo na sana sya saken nang bigla siyang mapatigil. Inalalayan ko kasi si Love na pababa ng kotse ko at inakbayan.

Nagbulungan at nagtawanan pa kami na animo naghahalikan sa malayo. Rinig na rinig ko ang malakas na galabog ng pinto.

Then, bigla kong nasanggi yung tagiliran ni Love na siyang kinagulat at kinahagikgik nya dahil nakiliti daw sya.

"Ikaw naman, huwag naman d'yan may kiliti ako d'yan eh, hihi."

Hindi ko na nakita si Ella sa sala pagkapasok namin. Dumiretso kami sa kwarto ko at ibinagsak ko si Love kama.

Hinayaan ko nalang sya dun matulog tutal ay lasing na rin siya at tila wala na sa katinuan. Tinangka niya pa 'kong pigilang lumabas, pero tinignan ko lang siya gamit ang cold eyes ko, sign na sobrang naiinis ako at kung maaari'y wag na siyang makisabay. After that ay nagtungo na 'ko sa may terrace para makapag-isip.

Doon ay nakita ko si Ella na may dala-dalang maleta at sumakay ng kotse nya. Inihakbang ko ang paa ko at tatawagin sya pero bigla akong napatigil...

Naisip ko na naman kasi yung mga nakita ko kanina.

"Baka nabitin kay Nef kaya pupuntahan nya ngayon."

After nun ay hindi ko na lang sya pinansin at naupo nalang sa upuan sa terrace at doon naidlip. Ngunit ilang oras palang ata ako nakakatulog nang biglang mag-ring ang cp ko at gumimbal saken ang nakakagulat na balita.

Ella Bratinella #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon