Bratinella.18

4.4K 79 8
                                    

Bratinella.18

-ELLA-

"Argh! ang sakit ng ulo ko, parang pinupukpok ng martilyo... Cynthia!" tawag ko sa maid namin.

Pero maya-maya lang ay napatigil ako. Kasi naman...OMG! Bakit ako nandito?!

"Patay! Manang Gilda!" tawag ko sa katulong namin sa mansyon.

"Bakit po ma'am?" sagot niya pagkapasok ng kwarto ko.

"Anong nangyari kagabi? Paano ako napunta dito??" natataranta kong tanong.

Ang huling natatandaan ko lang kasi ay may sinampal akong isang lalaki dahil sa panghihipo nya saken.

Ang ipinagtataka ko, paano ako napunta dito sa mansyon namin. Lagot ako kay papa nito!

"Ahh, may naghatid po sa inyong lalaki dito kagabi." sagot niya na lalo kong ikinakaba.

"Oh my God! Sinong lalaki? Anong itsura?"

Ayts! Baka sumama nga ako sa manyak na yun kagabi ah?! At ang kapal naman ng mukha niyang ihatid pa 'ko sa bahay namin!

"Maayos naman po ang itsura ma'am. Matangkad... maputi..."

"Shocks!"ganung-ganon din yung itsra nung manyak na lalaki kagabi!

 "Ano daw pangalan?"

Ngunit nagkibit-balikat lang si Manang Gilda, "Hindi ko na po alam ma'am kasi ipinasok na kita dito kwarto niyo kagabi at ang parents niyo lang ang kumausap dun sa lalaki."

"Ayts! Lalong sumakit ang ulo ko. Sige na, pwede ka nang lumabas. Pakisabi na lang kila Papa maliligo na muna ako bago ako bumaba."

Alam kong kailangan ko talagang magpaliwanag sa parents ko ukol sa nagawa ko na namang kalokohan kagabi. Kung bakit ako nag-inom at kung bakit imbes na sa bahay naming mag-asawa, ay dito pa ko hinatid nung manyak na lalaki. Nang matapos ako sa lahat ay bumaba na ko at agad kong nakita niya na naghihintay na sa sa dining room sina mama't papa.

"Good morning po," bati ko habang nakayuko.

"Maupo ka," si Papa.

Kinabahan ako. Seryosong-seryoso kasi sila pareho ni mama.

"Umpisahan mo nang magpaliwanag," sabi ni Papa.

"Wala po akong dapat na ipaliwanag sa inyo, Papa."

"Ella, huwag mong painitin ang ulo ko. Nasa harapan tayo ng pagkain," seryosong sabi niya pa.

"Kayo nga po ang dapat na magpaliwanag sa'kin kung bakit niyo ako pinakasal sa lalaking hindi ko naman mahal," sagot ko.

Nagulat ako nang biglang ibinagsak ni papa ang hawak niyang kutsara't tinidor.

"Hon, relax," awat ni Mama.

"Papasok na po ako." tumayo na ko.

"Ella, anak hindi ka pa nakakakain. Sumubo ka muna kahit konti lang," si Mama.

"Ella I'm warning you, kapag pinagpatuloy mo ang pagrerebeldeng ito, I'm sorry , pero mapipilitan akong ipadala ka sa mga uncle mo sa States!" pagbabanta ni Papa.

"What?! Ganyan na ba talaga kayo kadesperado sa business?!" inis kong tugon.

"Yes. At hindi na magbabago pa ang desisyon ko," mariin niyang sabi.

"Tss!" naiinis na talaga ako, kaya naman tinalikuran ko nalang sila pareho.

Pasakay na siya ako ng kotse ko nang marinig ko ang tawag ni mama. "Ella, anak sandali lang."

Ella Bratinella #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon