Bratinella.34

3.7K 41 1
                                    

 Bratinella.34

 -ELLA-

"Hi, Shaye!"

"Oh, hi Nef!"

Enebeyen! Kinikilig na naman ako. Sino ba namang hindi kikiligin kung ganito kagwapo ang babati sayo diba?

Si Nef ay ang pinakasikat na model sa Italy na lumipat sa Pilipinas under the same company. At sya rin ang dahilan kung bakit ako sikat ulit. magkasama kasi kami ngayon sa trabaho. Nalaman ko sa may-ari ng company na 'to na ni-request daw ni Nef na kunin ako as their model. kinausap ko sya after nun, then bigla siyang nagkwento saken. Matagal na daw kaming magkakilala. Simula pa daw nung mga bata pa kami.

Aware naman ako na may partial amnesia ako kaya nga medyo marami-rami rin akong hindi maalala. And yes, aaminin ko... kaya naniwala agad ako kay Nef sa mga kwento niya ay dahil na-"like at first sight" ako sa kanya nung nakita ko sya sa ospital.

Yung mga tipo nya kasi ang gustong-gusto: gwapo, macho, gentleman, mayaman at sikat :D

Kaya nga ang swerte-swerte ko kasi feeling ko may gusto rin sya saken. napaka-thoughtful nya kasi at sweet saken.

"Uhm, may pupuntahan ka ba after shoot Shaye?"

Nag-isip ako saglit. wala na naman akong ibang sched.

"Ah, wala na. Why?"

"Gusto sana kasi kitang yayain mag-dinner."

"Oh sure!" walang kaabog-abog kong sagot.

"Okay, thanks. Hintayin nalang kita dito hanggang sa matapos yung shoot mo."

"Eh? Hindi ka ba maiinip? medyo matagal pa bago matapos 'to."

"No, it's okay. Enjoy naman akong panuorin ka," he smiled genuinely.

Napaka-sweet talaga nya. Kelan nya kaya ako balak ligawan?

It's almost half a year since naging close kami at hanggang ngayon ay hindi pa rin sya nagtatanong formally kung pede ba siyang manligaw.

Aist! Baka naman kasi masyado lang akong assuming?!

"Miss Ella, ready na po kayo in five minutes."

Pagkasabi nun ng P.A. ko ay nagpaalam na muna ako kay Nef at dumiretso na sa make-up artist ko.

Nakailang shoot pa kami ng pictures bago tuluyang sinabi nung photographer ang salitang "perfect".

Kanina ko pa kasi hinihintay na sabihin nya yun. It's a sign na tapos na ang photoshoot. Nahihiya na rin kasi ako kay Nef na kanina pa nakaupo sa sulok habang pinapanuod ako.

And everytime na mapapatingin ako sa gawi nya, he's just smiling as if admiring me. I can't help but drool when I saw him that way. at sana lang ay hindi napansin ng photographer yun.

"Nice job Ella, bagay sayo ang nagba-blush. Next time, our theme will be high school sweethearts at alam ko na kung sino ang ipapartner ko sayo."

"Huh? Sino po?"

He giggles, "Uhm, can I just ask some private question to you?"

"Ah, sige po."

Hinintay kong magsalita sya, "Uhm, what's your relationship with highest-paid model, Nefthali Reyes?"

Nanlaki agad ang mata ko sa tanong na iyon ni Mr. Dee.

"Ah, excuse me Mr. Dee," si Nef na nakalapit na pala samen ng photographer ko. "Gumagabi na kasi, pwede ko na bang kunin si Shaye?"

"Ah, s-sige Nef. Mag-iingat kayo ha?" then tumalikod na ang baklang photographer.

Nagulat naman ako nang biglang hawakan ni Nef ang kamay ko, "Let's go?"

Feeling ko, nagba-blush na naman ako. "O-okay, let's go."

Nagpauna na ko sa paglalakad, though hindi pa rin nagbibitaw ang mga kamay namin.

Dinala ako ni Nef sa isang fine restaurant. naupo kami sa may bandang gitna since dalawang table nalang ang vacant. pero bago pa man kami naupo ay may two familiar faces na kong namataan.

"Bes!"

"Hey Bes! nandito rin kayo?" sagot ko kay Grince sabay beso-beso sa kanya.

"Yeah, i missed you!"

"I missed you too, Bes."

Lumipat kami sa table nila Grince since malaki naman yun

"May I take your order Sir, Ma'am?" tanong ng waiter pagkalapit sa table namin.

"Anong gusto mo Shaye?" tanong ni Nef saken.

 May kinakain na kasi sila ni Terrence that time.

"One pasta with mushroom soup."

"Pasta and mushroom soup," ulit ng waiter. "How about you, Sir?"

"Single Hawaiian pizza with garlic bread," sagot ni Nef.

"How about for drinks ma'am, sir?"

"Pineapple juice is fine with me," sagot ko.

"Mine is white wine," si Nef.

"Any desserts?"

"Nope, I don't like sweets."

"Huwag na rin ako," panggagaya ni Nef sakin.

Matapos ulitin nung waiter ang lahat ng order namin ay umalis na sya. At habang wala pa yung foods namin ay nagkwentuhan muna kami ni Nef habang sina Grince at Terrence ay PDA.

Haha, sabi ko nanga ba, I smell something fishy sa dalawang 'to eh.

"So kelan nga pala yung huling pagkikita natin before the accident?"

I asked Nef.

"Uhm, I remember it was outside the campus. It was raining hard and nakita kitang basang-basa, that's why I hitched you on my car."

Aw, sweet. 

"So bakit naman ako nabasa sa ulan nun."

Napatigil sya, tila nag-aalangan sa isasagot nya.


"It's because you were waiting for someone."

Ella Bratinella #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon