Bratinella.38.2
"Kamusta magandang binibini? Nandirito na ang makisig na Prinsipe," si Gerald sabay halik sa likuran ng kamay ko.
"Weh?! Utot mo!"
"Mabango as always!"
Psh! Napapailing nalang ako.
Tss, san ka ba naman makakakita ng isang mala-Greek God sa kagwapuhan na lalaki, na kung makapagsalita ng mga garapal na bagay ay parang mani-mani lang?
Syempre, si Gerald Ken Raven lang yun! Ang pinakamadaldal at pinakamakulit sa heartthrobs ng school.Kung bansagan nga sya ay The Happy-Go-Lucky Guy. Lahat kasi ay ginagawa niyang biro. He loves to play games, especially to his co-students. Kahit nga ang faculty ng school ay hindi niya pinapalampas.
Walanjong lalaki! Sino kaya ang pwedeng makapagpatino dito?
Pag-angat ko ng tingin sa kanya, nagtaka ako... seryosong-seryoso kasi ang mukha niya at tila may iniisip na malalim.
"Ano na namang nasa isip mo Gerald Ken?"
He smirks. "Nothing. I'm just wondering kung anong nakita mo sa super plain and boring na si Lee at na-head over heels ka sa kanya."
Kumunot ang noo ko, "Huh? Lee?"
"Haha, oo na. hindi mo pa rin sya matandaan bilang ano mo. Kaya nga tinutulungan namin sya ngayon eh."
"Huh?" I asked wondering what the hell is he saying.
Kanina pa talaga ako naguguluhan sa mga nangayayari ha.
"You know lady..." aniya sabay angat ng daliri niya sa mukha ko. Pinaglandas niya ito mula sa gilid ng kanang mata ko, papunta sa ilong ko, pababa sa mga labi ko... Eek, kinikilabutan ako. Damn Gerald!
"Sometimes, even if your mind doesn't remember someone... your heart can. Paganahin mo kasi yang puso mo kahit minsan lang."
"Yeah. Yeah. Yeah," bored na sagot ko. Lumalabas na naman kasi ang pagiging modern Confucius niya. "But you know Gerald, I'm just wondering who's the unlucky girl you're into now?"
Gusto kong humagalpak ng tawa sa reaksyon ng mukha niya. Kasi naman, ang gwapo at maaliwalas na mukha niya kanina ay nagmamaasim na ngayon!
"So anong tingin mo sa lovelife ko, sinumpa? Na kung sinuman ang nagugustuhan ko ngayon ay maituturing na nagkaroon na libreng tattoo na mala-balat sa pwet?"
"Hindi naman... pero parang ganun na nga."
"Ella naman eh!" he pouted and I somehow find it cute. Minsan lang mag-pout ang mga lalaki pero nakakatuwa talaga! Para pa siyang batang nagpupumadyak sa sahig ngayon.
At doon ay hindi ko na napigilan ang paghagalpak ng tawa. Na naging sanhi naman ng pagtahimik ng paligid... wala sa loob na napatingin ako sa mga taong ang mga mata'y sa amin nakatutok.
Napatigil ako bigla nang mapansin ang isang mukhang madilim ang tingin sa aming dalawa ni Gerald...
Isang babaeng mahaba ang buhok na nakakulay puting dress na kung hindi mo tititigang maigi ay mapagkakamalan mong white lady.
"Ah Gerald..." tawag ko sa kanya ng umayos na kami ng sayaw.
"Hmm?"
"You know h-her?" tanong ko sabay nguso dun sa babaeng masama ang tingin sa amin.
Nagtaka ako nang ilang saglit siyang hindi nakasagot. Kaya naman iniangat ko ang tingin sa kanya. At ito ang nakita ko...
Si Gerald na parang pinainom ng isang boteng suka.
BINABASA MO ANG
Ella Bratinella #Wattys2017
Romance"She's a bratty. He's a responsible man. She despised him. He despised her. They didn't agree on anything. They fought all the time and tease each other every day. Kaya pano nalang kung pagsamahin pa sila sa iisang bahay bilang mag-asawa?"