Bratinella.23
-GREY-
"Yaya Doring... I'm so sorry..."
Nagtaka ako nang biglang nagbanggit si Ella ng pangalan.
"Who's Yaya Doring?"
"Grey... I didn't mean to do that to her. I was very young by then."
Lalo naman akong naguluhan sa sinabi niyang yun. Totoong umiiyak na si Ella. Mukhang malaki nga ang naging trauma nito sa kung anuman ang nangyari noon sa pagitan nila ng Yaya Doring nya.
At ang pinagtataka ko sa ngayon ay sino si Yaya Doring at bakit ganun nalang ang takot ni Ella sa kulog at kidlat.
"Dito ka na matulog please?" pakiusap pa nya.
"Ella, babantayan naman kita hanggang sa makatulog ka."
"No Grey please... gusto ko paggising ko bukas ng umaga nandito ka pa rin sa tabi ko."
Tila may kung anong kumurot sa puso ko nang marinig ko ang pakiusap na yun ng asawa ko. Parang may bumubulong sa isipan ko na protektahan at bantayan sya. Kaya naman humiga na rin ako sa tabi nya at tinapik-tapik ang balikat nya. Bigla naman akong na-stiff nang bumaling sa saken si Ella at niyakap ako.
Nang inangat ko ang cellphone ko upang ilawan sya ay nakita ko ang tuloy-tuloy na pagbagsakan ng mga luha sa nakapikit nang mga mata niya.
Napakaamo ng mukha ni Ella. Tila nawala ang pagiging fierce at spoiled-brat nito. Hanggang sa mamalayan ko na lang na unti-unti ko na ring iniaangat ang isang braso ko upang yumakap sa kanya.
Mga 1am na rin nung magka-ilaw at tumigil ang malakas na ulan. Hindi pa rin ako nakakatulog dahil... EWAN KO.
Hindi kasi ako mapakali habang nasa tabi ako ni ella. gusto ko sanang magpabaling-baling kaso nag-aalala naman ako na magising ko sya bigla.
Gusto ko na sanang bumalik ng kawrto ko para matulog pero naalala ko yung pakiusap ni Ella kanina.
"No Grey please... gusto ko paggising ko bukas ng umaga nandito ka pa rin sa tabi ko."
Sa sinabi niyang yun, pakiramdam ko'y para na kaming tulad ng mga nagmamahalan na mag-asawa. Yung tipong paggising mo sa umaga ay mukha ng asawa mo ang gusto mong makita.
Gusto ko na rin sanang magkaayos kami, kahit itanggi ko pa ay mahalaga na rin sya saken. Sa totoo lang ay unang kita ko palang noon kay Ella ay crush ko na siya. Yun nga lang, sa paglipas ng panahon, sadyang nagbabago ang pananaw sa buhay ng bawat tao. At dahil na rin dun siguro kaya naging malayo na ang loob namin sa isa't isa.
Tinitigan ko lang ang mukha nya. Noon at ngayon ay napaganda talaga ni Ella. Sabi nga ng mga tropa ko, napakaswerte ko na raw sa asawa ko. Oo, alam na nila ang buong katotohanan. Sabi nga nila, walang sikretong hindi nabubunyag.
Sa katagalan ng pagtitig ko sa kanya ay hindi ko na namalayang unti-unti na palang lumalapit ang mukha ko sa kanya... hindi ko napigilan ang sarili kong halikan ang mapupula niyang labi.
Ganun pa rin...
tulad ng una'y malambot at matamis pa rin. Nagdudulot pa rin ng maliliit na kuryente sa kabuuan ko.
Niyakap ko ulit sya at tinitigan ang mukha. Hindi yata ako magsasawang titigan iyon.
-ELLA-
Nagising ako nang may mabigat sa tiyan ko. Pagmulat ko, mukha agad ni grey ang nakita ko.
sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa. Naramdaman ko na nga yung hininga nya eh.
Pero, infairness fresh breath pa rin.
BINABASA MO ANG
Ella Bratinella #Wattys2017
Romance"She's a bratty. He's a responsible man. She despised him. He despised her. They didn't agree on anything. They fought all the time and tease each other every day. Kaya pano nalang kung pagsamahin pa sila sa iisang bahay bilang mag-asawa?"