Bratinella.31.3
Damn! Kanina pa ko naghihintay dito. 8:35pm na. Kanina pa rin ako pinalabas ng school ng guards.
At kaninang 5pm pa ko nandito. Nilalamok na ako!
Nakailang text na ko kay Grey, hindi siya nagrereply. At pag tinatawagan ko naman, laging out of coverage area!
"Asan na ba yung lalaking yun?!"
Medyo naiinis na rin ako. Dapat pala sumama nalang ako kay Grince na mag-cutting kanina!
Ngunit sa kabila ng inis ko ay kinakabahan na rin ako. May kung ano kasing bumubulong saken na baka kung ano na ang nangyari kay Grey.
9pm na!
"Oh Grey, isang text lang please... at matatahimik na ang kabog ng dibdib ko."
Sige 30 minutes pa. Baka sakaling dumating rin sya. Ngunit ilang minuto lang ay nangalam na ang sikmura ko.
"Tss. gutom nako!" Hindi naman ako makaalis, baka kasi bigla siyang dumating.
10pm.
Fuck! Oo na, sabi ko 30 minutes nalang. Pero kinakabahan na talaga ako para sa asawa ko. Pero baka naman nakauwi na sya samen at nakalimutan na nya nag text niyang may pupuntahan daw kami?
"Aish! Bahala ka na nga Grey! Uuwi na talaga ako!"
Pero pag sinuswerte nga naman, wala na ngang taxi bigla pang buhos ng ulan. at wala akong payong!
Tumakbo nalang ako sa pinakamalapit na waiting shed. Ilang minuto rin akong naghintay bago may humintong kotse sa harap ko.
At pamilyar yun. Then, bigla nalang bumukas yung pinto sa may driver's seat. at lumabas ang isang lalaking nakapayong. patakbo siyang pumunta saken.
"Hey, basang-basa ka na...anong ginagawa mo dito?" pinayungan nya ko, yung type napagpayong eh, halos ako lang talaga yung napapayungan at siya ay nababasa na.
Inakay nya ko pasakay sa kotse nya.
Sh*t, ginaw na ginaw na ako.
Nung napansin nya ang pangangatog ko ay pinatay nya ang aircon ng kotse nya. May kinuha sya sa backseat.
"Here," inabot nya saken ang isang makapal na jacket.
Nag-alinlangan pa kong tanggapin yun.
"Huwag mo nang alalahanin, di baleng mabasa yan, wag kalang magkasakit."
Eh? Did he just read my mind?
Kinuha ko nalang sa kanya yung jacket at binalot sa sarili ko. Tinanong nya saken yung address ko at nagtaka pa sya nang ibang address ang ibigay ko.
"Hindi ba sa 421 street kayo Shaye? Lumipat na ba kayo?"
"No Nef, dun talaga ako sa 143 street nakatira. Bahay ng parents ko yung pinaghatiran mo saken dati." (remember nung naging knight-in-shining amor ko sya nung may nambastos saken sa bar?)
Alam kong hindi nya pa rin gets yung paliwanag ko, hindi nya naman kasi alam na may asawa na ko at nakatira pa kami sa iisang bahay. (since si Grince lang naman ang nakakaalam nun) at alam nyo na naman siguro kung bakit.
Sumandal nalang ako sa may bintana at ipinikit ang mga mata. Pinilit iwinaksi sa isipan ang pag-aalalang dulot saken ni Grey.
~~
Pagdating ko sa bahay ay wala pa si Grey. patay pa rin kasi yung ilaw. Pinapasok ko muna si Nef at pinagkape.
Hanggang sa makaalis na si Nef ay hindi pa rin dumadating si Grey. Napagdesisyunan kong hintayin nalang siya sa sala.
Hindi ko pa rin kasi ma-contact yung cp nya. Hanggang sa makarinig ako ng pag-ugong ng makina ng kotse.
Napatayo agad ako sa upuan at tumakbo papunta sa pinto. Nakahinga ako nang maluwag nang makita ko si Grey na pababa ng kotse.
Patakbo na sana ako palapit sa kanya nang bigla ako mapatigil sa kinatatayuan. Parang nabato-balani ang paa ko sa semento.
'Ni hindi alam ang gagawin sa nakikita ko ngayon...pinagbuksan ng kotse ni Grey si Love at magkaakbay sila ngayon sa harap ko.
~~~
DAMN IT!
Matapos kong tiisin ang bestfriend kong si Grince para lang hintayin sya nang pagkatagal-tagal, halos maligo pa ko sa ulan, tapos ayun lang pala siya, nakikipaglandian sa bisugo niyang ex! Holy sh*t!
Mukhang tanga lang rin pala akong nag-aalala pa na baka kung ano nang nangyari sa kanya.
Sa sobrang inis ko ay binalibag ko ang pinto pagkapasok ko, sinadya ko yun para mahalata nila.
Sa kabila ng pagkasara ng pinto ay rinig na rinig ko pa rin ang hagikgikan at landian nila.
Fuck.
Sa inis ko ay padabog na umakyat nalang ako ng kwarto at inempake ang mga gamit ko. Bara-bara ko nalang na nilagay sa luggage ko yung mga damit ko. sa bahay ko nalang aayusin.
Pagkatapos nun ay kinuha ko yung susi ng kotse ko sa may sidetable at bumaba nako sa sala. Mabuti nalang at wala na sila sa baba. Kaya naman dire-diretso nakong lumabas at isinakay ang maleta ko sa kotse.
Sa daan ay halos wala nakong makita... hindi lamang sa sobrang lakas ng ulan, kundi pati na rin sa tuloy-tuloy na luhang nagbabagsakan sa mga mata ko.
Pakiramdam ko ay ang tanga-tanga ko. Ang tanga-tanga ko para umasang magagawa nga naming magkaayos ni Grey. Na magagawa niyang ituring ako bilang tunay na asawa. Na magagawa niyang pahalagahan ako. Na magagawa niyang mahalin rin ako...
Oo, mahal ko na nga yung gagong yun.
At sh*t lang, hindi ko na kasi napigilan ang bobo kong puso. alam ko naman kasing sa umpisa palang ay sinabi nya ng gusto nya lang ayusin ang samahan namin at hindi ibig sabihin ay may nararamdaman na rin sya para saken.
Ang tanga-tanga ko. Ang bobo-bobo ko para UMASA sa kanya... Para bigyan ng kahulugan ang mga pinakita nya saking kabaitan.
Damn it! Minsan na nga lang magmahal, nauwi pa sa ganto.
Napapikit ako, at ang huling narinig ko nalang ay ang malakas na busina ng sasakyan.
BINABASA MO ANG
Ella Bratinella #Wattys2017
Storie d'amore"She's a bratty. He's a responsible man. She despised him. He despised her. They didn't agree on anything. They fought all the time and tease each other every day. Kaya pano nalang kung pagsamahin pa sila sa iisang bahay bilang mag-asawa?"