Bratinella.35
"It's because you were waiting for someone."
"Ah ganun--hey!" napasigaw ako nang biglang may humila sa akin. "Hey ano ba?!" sigaw ko habang patuloy pa rin akong kinakaladkad ng isang naka-kulay white na polo na lalaki.
Teka, parang pamilyar yung suot nya ah.
Argh! Hindi pala yun ang dapat kong isipin sa ngayon.
Ang dapat kong isipin ay kung pano ako makakawala sa mahigpit na pagkakahawak nya sa kamay ko at kung bakit 'ni hindi man lang sya pinigilan ng mga kasama ko sa restaurant.
Hanggang sa makalabas kami ng resto ay patuloy pa rin sya sa pangangaladkad saken. Then, biglang mapadako ang tingin ko sa likuran nya. Napakunot ang noo ko nang biglang parang may nagregister bigla sa utak ko.
<A/N: scene from Bratinella.03>
***
Hindi ba parang pamilyar sayo ang likod na yan?
Oo nga eh. Aish! Yan ang mahirap kapag ganda lang ang panlaban eh. Ang hina talaga ng memory ng utak ko. Kumbaga sa cellphone, 28MB lang ang taglay. Tsk!
Napailing ako. Aba't nagkaroon pa talaga kami ng conversation ng konsensya ko. Aish! Mababaliw na 'yata ako.
***
I shook my head.
Ano yun? Sino yung lalaking yun sa alaala ko?
At bakit sya lumilitaw nang bigla-bigla sa isipan ko?
~~
-GREY-
Planado ang lahat. Kinausap namin pareho ni Grince si Nef para sa acting na ito.
This is our first step para sa plano namin ni grince ma-regain ang memory ni Ella. Mabuti nalang at napapayag namin si Nef na yayain si ella na magdinner.
Ilang minuto rin akong naghintay sa loob ng kotse bago ako nakatanggap ng text message mula kay Grince.
"Game na, Kuya."
Kaya naman dali-dali akong pumasok sa resto wala nang sabi-sabing kinaladkad si Ella. Ito ang unang eksenang gusto naming ipaalala sa kanya.
Ito ay dahil na rin sa sinabi ni Grince na yun daw ang pinaka-memorable para kay Ella dati dahil simula daw nang mangyari yun ay naging bukambibig na ni Ella yun sa kanya.— "Aish! yan talagang Kuya Grey mo, napaka-shunga!"
Ang dalangin ko nalang sa ngayon ay maalala nya ang eksenang "yun". Ilang saglit lang ay binitawan ko na sya.
Ngayon naman ay kelangan ko ng iapply yung scene after the pangangaladkad version.
"Anong ginagawa mo dito?" sabi ko sa kanya nang tumigil kami sa isang bakanteng lote.
Nakita kong naningkit ang mga mata niya.
"Ano?!" kasabay nang pamemewang.
Gusto kong matawa dahil yun na yun rin ang reaksyon niya noon.
"Matapos mo kong kaladkarin ng walang pakundangan dito, tatanungin mo ko kung anong ginagawa ko dito? Abnormal ka ba?!" that's her dialogue too.
"Tss, kasalanan mo yun eh." syempre, ginaya ko rin ang dialogue ko noon.
Then, nag-walk out na 'ko. Hinintay kong tawagin nya ko.
Pero malayu-layo na ko ay hindi pa rin sya umiimik. Gustong-gusto ko na siyang lingunin. but that's not the part of our plan.
Hanggang sa nasa may tabing-kalsada na ako ay hindi pa rin nya ko tinatawag.
"Haaay... mukhang failed na naman ak—"
"HOY!"
Bigla akong nabuhayan ng loob.
"HOY!"
This time ay humarap na 'ko sa kanya.
"HOY IKAW!"
Binilisan ko na ang lakad ko makabalik lang ulit sa lugar na kinaroroonan nya.
"It's Grey Anthon Lee," sabi ko habang napakalapit ng mukha namin sa isa't isa.
Wala siyang naging reaksyon nung sinabi ko ang buong pangalan ko. Bahagya pa siyang napaatras.
"A-anong ginagawa mo?" batid kong naiilang sya dahil sa sobrang pagkalapit ng mga mukha namin.
"Bakit ka ba tawag ng tawag?" patuloy pa rin ako sa pag-acting.
Nang hindi sya nakasagot agad ay muli akong nagsalita, "Next time wag mo kong tatawaging hoy kung wala ka naman palang sasabihin saken."
Doon na tila sasabog ang galit nya.
Yes! Effective!
"Ang kapal din naman ng apog mo noh?! Pagkatapos mo 'kong kaladkarin, bigla ka na lang magwo-walk out d'yan ng wala man lang sinasabing dahilan kung bakit mo ginawa sa'kin yun?!"
"Alam mo, para kang puwit ng manok. Putak nang putak. And first of all, hindi kita kinaladkad—"
"Eh, anong tawag mo dun? Buhat?!"
"Gusto mo bang malaman yung reason or what?"
"Wag mo kasi akong tawaging something ng manok..."
Pinipigilan kong wag mapangiti, pakiramdam ko kasi ay parang replay lang ito ng mga nangyari dati.
"I..." syempre, ginaya ko ulit yung dati.
Nakita kong hinihintay niya talaga ang susunod ko pang sasabihin.
"I..." tulad na dati ay nakanganga na naman siya. Haha! You're still the same Ella I used to know.
"I just thought that you're my sister. Nung nakita ko siyang may kayakap na lalaki—"
"Huh? Imposible naman ata mangyari yun!" singit niya sa litany ko.
"CAN'T YOU JUST LISTEN FIRST?!" sigaw ko as part of acting.
Then, natahimik na sya.
Mabuti nalang talaga at nandun rin si Grince at Terrence sa may tabi ng table nila. Para kung sakaling tanungin nya ko, magiging realistic ang acting namin.
"When I saw my sister na may kayakap na lalaki ay nag-init agad ang ulo ko. And syempre, as his brother, I had this instinct na kunin siya mula lalaking 'yon, lalo na't alam ko ang pagiging Casanova nun. But unfortunately, ikaw pa ang nakuha ko."
Napatigil sya. halatang gulat na gulat. "Si... si Grince ba ang sinasabi mo?"
My eyes widened.
Did she just gain her memory back?
BINABASA MO ANG
Ella Bratinella #Wattys2017
Romans"She's a bratty. He's a responsible man. She despised him. He despised her. They didn't agree on anything. They fought all the time and tease each other every day. Kaya pano nalang kung pagsamahin pa sila sa iisang bahay bilang mag-asawa?"