Kabanata 12 - Boy Sutsot
By: Chazzam
[chazzam point of view]
Tumayo na rin ako at tumakbo nang bigla akong nadapa dahil sa natapakan kong panty.
"Pambihira naman sino ba kasi nakaiwan ng panty dito, so Yuckie, may stain pa!" ito pala yung naaamoy kong malansa kanina pa, napatingin na lang ako sa panting nakakalat sa lapag at napansin kong may nakafansign pa dito “ #Ayawkosajejemon by Globalwarming”. So kadiri talaga kaya sinipa ko na lang ng malakas ung panty at agad na nagtago sa may likod ni @ImArVee. Bahala na kung saan tumama yung panty.
“What the heck, who threw this shit” narinig kong may sumigaw na engleserong lalake, bigla na lang itong naghurementado at winawagayway pa ang panty.
“@KayeSJ naghuhurementado nanaman si Boy Sutsot” banggit ni @hana07 habang kuntento siyang kumakain ng saging.
“Hay naku hayaan mo nga yan dapat diyan dinadala sa Silent Hill at itulak sa Wrong Turn” asar na banggit ni @KayeSJ habang abala sa pagpokpok ng kahoy.
“Aray Bebe hinayhinay lang” sambit ni Babyboy habang napapangiwi sa ginagawa ni @KayeSJ sa kanya.
“Sandali na lang Bads malapit ng matapos ito, teka wag ka kasi gumalaw, ito ipapako ko na”
“Seryoso @KayeSJ kahit sa tren gumagawa ka ng bakod” pansin ko agad sa kanya habang nagpapako ay nakatingin pa sa akin na animo aagawin ko ang pokemon nyang mukhang jejemon. Akala naman ni mam @KayeSJ safe na si Babyboy kapag nilagyan niya ng bakod na kasing taas ng Great Wall of China. Kung nakapaghanda siya gumawa ng bakod, pwes ako handa rin, para saan ba ang condom? wahahaha!!!! Anyare ano ba pinaglalabanan namin dito eh ayaw ko nga sa mukhang jejemon.
Itong jejemon naman na ito masokista ata at tuwang tuwa pa na minamartilyo ng sadista nyang Bebe na kung makapandilat sa akin animo Tarsier, bakit nagkalat sila sa Manila akala ko nasa Bohol sila at namumundok sa Chocolate Hills. Kung alam ko lang na mas gusto ni Babyboy ng nasasaktan siya di sana binitin ko na lang siya ng patiwarik habang nilalatigo.
Lumipat na lang muna ako ng pwesto kasi naman nagkalat ang mga balat ng saging pati itsura nila hugis saging na rin. Agad kong napansin ang babaeng palakad lakad sa gitna ng tren na animo may hinahanap. Kinakausap nya ang bawat madaanan nyang pasahero.
“May tip ako sa inyo para di nyo mawala ang suot nyong panty” narinig kong sabi nya sa mga nakakausap nya.
“Talaga Idol sige babasahin ko agad yang TIP mo” sagot ni @JanelSison sa kanya.
“Basta ba widen your legs makukuha mo agad ung TIP ko” sagot nung babaeng mukhang Shrek, nguso palang nya ay nakilala ko agad kung sino siya.
“Oi globalwarming mahangin ba sa labas, baka mahamugan ka?” kasi naman eh para siya si JANET NABURLES.
“@Chazzam nakita mo ba ung panty ko kung saan napunta?” tanong nya sa akin. Nang biglang umihip ang malakas na hangin at may naamoy akong masangsang.
"Pwe pwe pwe" agad kong tinakpan ang ilong ko. “Ay uu parang nakita ko hawak nung lalakeng naghuhurementado dun sa dulo” sabay turo ko kung saan nagwawala si Boy Sutsot MY GAAAAAH i need fresh air, ang tagal naman nyang umalis.
BINABASA MO ANG
Ang Malupit na Lipat Sanib
HumorTipikal na ang pagsakay sa tren.Ngunit paano kung ang tren at istayon na iyong sasakyan ay may sekreto na hindi mo na nanaisin na malaman pa? Iba't-ibang mamamayan na sasakay at magsasama-sama sa istasyong maghahatid sayo sa walang hanggang ikot-iko...