Kabanta 20- Global vs Tiyanak
by: _Krayola_
Magsasalita na sana si @im_msrema nang may biglang dumating na hindi inaasahang bisita…
[_krayola’s_ POV]
“Bohahahahahahaha!” Tawa ng isang babaeng animo isnag mangkukulam na winawagayway pa ang isang kamay nito ala-Sandara Park.
“Ay kamusta ang entrance! Anong klaseng language yan? Bohaha Words?” Sabi ni @chazzam sa bagong dating, akmang ibabato na nito ang golden brief na hawak. Teka paano napunta sa kanya ang golden brief na pinaka-ingat-ingatan ko?
“Hoy apo! Huwag mong ibabato yan!” Sigaw ko kay @chazzam, agad naman siyang nahimasmasan.
“Joke lang lola, hindi ko ibabato ‘to. Mas mahalaga pa ito kesa kay Mr.Unan.” Sabi naman sa akin ni @chazzam, napatingin ako sa hawak kong mansanas, kahit ang hawak ko ay di ko kayang ibato sa hampas lupang babaeng nasa harapan ko.
“Ano na naman ang ginagawa mo dito Global Warming?” Tanong ni @Jeibabes at humawak ng mahigpit kay @JanelSison at @grandetofeenutlatte. Mas natatakot pa ang tatlo sa babaeng bagong dating kesa sa tiyanak na nasa loob ng tren na yun.
Bago pa nakasagot si Global Warming ay biglang nagsalita ang tiyanak.
“Bakit mas natatakot pa kayo sa kanya kesa sa akin?” Tanong sa amin ng munting nilalang.
“At bakit kami matatakot sa isang puppet na mukhang dyebs na biglang lumabas sa inidoro?” pataray na sabi ni @Averruncus.
“Yuck, dyebs!” sigaw nina @yumenosora, @ArianaSirena at @autumn_star at nandidiring tumabi sa mga dyosa ng mga prutas. Napa ‘Ewwww’ naman ang lahat.
“Saka mas ka-achieve-achieve naman ang pagka-horror ng babaeng ‘to. Kaya nga ginawa itong Saniban para sa kanya, libre lait. Tignan mo mukhang sinaniban ng isang milyong espiritu ang pagmumukha.” Sabad naman ni @Shannel_Prada at tinignan mula ulo hanggang paa si Global Warming. Pero bago pa ulit makapagsalita ang babaeng mukhang ingrown ang mukha ay may sumigaw sa isa sa mga myembro ng RT.
“Isa siyang baboy!” Sigaw ng anak kong si @ImZaVee.
“Aray naman, preno naman sa pagsigaw. Nasasaktan ang kalooban ko.” Sabi ko kay sa lalaking male counterpart ni @ImArVeE
“Ikaw kasi kuya @ImZaVee, huwag ka nang magsalita. Hindi yan ba-----Isa siyang hamster!” sigaw naman ni @pinklishpink at inapiran si @IamPhantomhive at @Crazylittle_princess. Tinignan ko ang tatlong anak kong sina @himesamaC, @underthetree01 at @stickypad.
“Nako, nay @_krayola_. Kami pa ba ang tatanungin mo?” Sabi ni @himesamaC sa akin.
“Porke team apple dapat lahat may comment? Hindi ba pwedeng pass kaming tatlo?” sabi ni @stickypad sa mga taong naroon, tumango-tango naman ang katabi niyang si @underthetree01.
“Pwes ako meron! Isa siyang Daga!” Sigaw ko at tumingin kay Global Warming na bigla na namang tumawa na ala-bruha. Kinalabit naman ako nina @ImArVeE at @thatquirkygirl na kapwa ko dyosa.
“Ay ang hard mo naman, huwag ganun kambal. Lakihan mo naman. Iguana siya. Mas kahawig nya yun.” Sabi ni @thatquirkygirl sa akin. Dumausdos naman sa kakatawa ang katabi nyang si @thatquirkyguy.
“Ang sama niyo talagang magkakambal. Isa siyang dugong. Mas hawig siya dun. Kita nyo walang difference.” Sabi naman ni @ImArVeE na sinang-ayunan ng lahat ng myembro ng RT na nagsihagalpakan sa kakatawa. At dahil hiyang-hiya ay walang nagawa si Global Warming kundi mag-walk out.
“Kawawa naman walang dialogue.” Sabi ni @quirkyshin na sinagot ng tawa ni @Shannel_Prada.
“Teh, kamusta naman ang dugong na nag-walk out?” sabi ni @Shairaluane at tumabi kay @Averruncus at @im_msrema na tawa pa din ng tawa.
“Ang babait talaga natin kaya ganun. Huwag nyo na ngang pansinin yun, pag-usapan na lang natin kung paano tayo makakaalis dito.” Sabi ko at tumingin sa lahat ng member ng RT na naroon.
“Eh teka, may idea nga kasi ako! Bwisit kasing Global Warming yan, dumating-dating pa eh.” Sabi ni @im_msrema kaya lahat naman kami ay napatingin sa kanya.
“Meron bang marunong magpaandar ng tren sa inyo?” tanong sa amin ng leader ng RT. Pero wala ni isa sa amin ang sumagot. Napatingin ako sa driver seat at tumingin sa tiyanak na naroon. Kapagkuwa’y naisipan kong tumayo at pumasok sa loob ng driver seat.
“Hoy anak ni Fiona at Shrek, umalis ka nga dyan at susubukan kong paandarin itong tren!” sabi ko at tinitigan ng masama ang tiyanak sa tabi ko.
“Hindi pwede! Hindi ko pa nahahanap ang nawawala kong kakambal!” sabi naman sa akin ng tiyanak. Nang hawakan nya ako sa braso ay sabay-sabay na napa-ewwwww! Ang mga kaibigan kong myembro ng RT.
“Alisin mo yang kamay mo sa braso ko, kung ayaw mong ihambalos kita dyan sa salamin.” Sabi ko, agad naman niyang inalis ang kamay nya.
“Kaya mo bang paganahin yan ate @_krayola_?" sabay na sabi nina @mynirvana at @LacusRain.
“Walang masama kung susubukan.” Sabi ko, nang magawa kong buksan ang ilaw at aircon pati na rin ang pagsarado ng pinto ng tren ay nagsigawan sa galak ang mga tao sa likod ko. Sinusubukan ko nang paandarin ng may biglang sumigaw.
“Ako ang kakambal mo!” sigaw ng isang lalaking todo kung makakapit sa headphone.
“SIya pala ang kakambal ng anak ni Janice!” sabi ni @hereuphoria.
“Kapit tayo sa railings!” sabi naman ni @ImZaVee at yumakap kay @ImArVeE.
“Railings ka dyan. Mukha ba akong railings?” sabi naman ni @ImArVeE na hinampas sa ulo si @ImZaVee ng hawak nitong saging.
“Aray, sorry na oh giliw ko!” sabi ni @ImZaVee.
Pero bago pa nakalapit sa pwesto namin ng tiyanak ang hari ng headphones ay napaandar ko na ang tren. Pero isa na namang nilalang ang lumitaw sa unahan ng tren para pigilan kami at isa siyang….
BINABASA MO ANG
Ang Malupit na Lipat Sanib
HumorTipikal na ang pagsakay sa tren.Ngunit paano kung ang tren at istayon na iyong sasakyan ay may sekreto na hindi mo na nanaisin na malaman pa? Iba't-ibang mamamayan na sasakay at magsasama-sama sa istasyong maghahatid sayo sa walang hanggang ikot-iko...