Kabanata 3

296 22 61
                                    

Kabanata 3: Kapnudels ni Dora

            by RadixGrayCe

Sa pagbaling ko ng tingin sa kasuluk-sulukan ng tren ay nakita ako ang isang babaeng nanginginig habang tumitingin ito sa paligid. Nakakatakot ang itsura niya. Para siyang sinakluban ng mga kaibigan ni barney...

( R a d i x G r a y C e ' s   P o i n t   o f   V i e w )

"Kuya @1Dude_ArcieS okay ka lang ba?" Tanong ko kay Kuya ngunit hindi siya sumagot. Bakas sa muka niya ang takot at kaba.

Binaling ko naman ang atensyon ko kay Queen @KayeSj, "Queen @KayeSj ano pong nangyari kay kuya?" Ngunit gaya na lang rin sa kuya ko ay di rin siya sumagot.

Nagsimula na akong kabahan, Buti na lamang at huminto na ang pag-aalog ng tren kaya nabawasan ang takot na nararamdaman ko.

"AAAAHHHHHHHHHH!!!!!!"

Nabaling ang atensyon namin nila Queen at Kuya ng makarinig kami ng sigaw. Mas lalo akong kinabahan. Anong nangyayare?

"Tara! Tignan natin yun." Matapang na sabi ni Kuya @1Dude_ArcieS.

"W-wag na bads, B-baka kung ano mangyare s-satin." Kinakabahang sabi naman ni Queen @KayeSJ.

"Bebe. Pa'no pag si @ImArVeE yun? Di ka parin ba pupunta?" Katuwiran naman ni Kuya. Dahan-dahan namang tumango si Queen.

Nagsimula na kaming maglakad patungo sa sigaw na narinig namin kanina. Nakakarinig ako ng mga malalim na buntong-hininga. Sa palagay ko ay nahihirapan na rin sila sa paghinga dahil sa takot.

Habang naka-kapit ako sa braso ni Kuya @1Dude_ArcieS ay di ko maiwasang makita ang mga tao sa paligid ko. Hanggang sa namataan ko ang isang babaeng nanginginig na sa kaniyang inuupan.

Inalis ko ang pagkaka-kapit ko sa braso ni Kuya at agad na pinuntahan yung babae.

"@RadixGrayCe, saan ka pupunta?!" Sigaw nila Kuya at Queen. Hindi ko na lamang sila pinansin at pinatuloy ang pagtakbo ko.

"Ate okay lang po ba kayo?" Tanong ko sa babae. Tumango lang ito kaya lang hindi ko masabi kung tumango nga ba siya o hindi nanginginig parin kasi 'to.

Agad ko nang nilabas ang isang pack ng kapnudels in bulalo flavor at ang thermos sa bag ko. Wag na kayo magtaka kung bakit nagkasya yan sa bag ko. Hiniram ko yung bag ni dora kaya nadala ko yan.

Binuksan ko naman ang kapnudels at nilagyan narin ng mainit na tubig. Nakita ko naman sa pherephiral vision ko na nagtatakang nakatingin sakin yung babae sa ginagawa ko.

Inabot ko sa kanya yung kapnudels.

"S-salamat." ngiting sabi nito.

"Walang anuman." Nakangiting sabi ko sa kanya. "Ako nga pala si Radical-- este @RadixGrayCe." at inabot ang kamay ko.

"Ako naman si @LacusRain. Salamat sa kapnudels kanina pa kasi ako dito nilalamig." Ngiting sabi niya. Tumango naman ako at naglagay pa ng maraming mainit na tubig sa mga kapnudels.

"Oh! Princess, ano 'yan?" Nagtatakang tanong ni Queen @KayeSJ.

Isang ngiti lang ang binigayn ko sa kaniya at nagsimula na akong magbigay ng mga kapnudels sa mga tao.

"Tulong!! Tulong!!! Babae, Tulungan niyo ako!!!!"

teka si...

"Babae! Nasa'n ka!!? Babae!!" gulat na sabi ni Queen @KayeSJ dahilan para mabagsak niya ang thermos na hawak nito.

Napuno ng usok ang paligid ng tren. Nahihirapan akong makita sila Queen @KayeSJ at Kuya @1Dude_ArcieS pati narin ang abs ng lalake ay di ko makita dahil sa usok.

Naglakad-lakad ako. Di ko alam kung saan ako papunta basta naglakad-lakad ako habang nakapikit ang mata ko.

Maya-maya ay nawala narin ang usok sa paligid. Napangiti ako lalo sa nakita ko. Ang StepMother ko na si @ImArVeE, nakita ko na siya!

Pero ang katuwaang 'yon ay agad na naglaho nang makakita ako ng isang....

Ang Malupit na Lipat SanibTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon