Kabanata 1

437 26 79
                                    

Kabanata 1 : Kapit

      by KayeSJ

Ang weird talaga walang sumasakay na... pogi. Ano ba naman klaseng tren 'to, puro chararat na lalake ang nakakasabay ko. Merong nakaheadphone na mukhang ewan, iyong isang lalake naman okay na sana kaya lang mukha namang nag-evaporate. Gosh, naiistress na ang kuko ko nagmamahal na talaga ang kilo ng baboy ngayon!

"Hoy, ang lalim naman ng buntong hininga mo parang hinugot mo pa iyan sa ovary ha.." Untag sa akin ng katabi kong airpor- babae, si @ImArVeE.

Inilapit ko ang bibig ko sa tenga niya para ibulong kung ano ang iniisi- pwe!

"Babae naman, maglinis ka naman ng tainga pag may time.." Singhal ko sa kanya habang pinupunasan ang dila ko ng panyo. Kadiri may lumabas na tuyong tutuli! Eeew! Eeew! AngRT ko!

"So ako dapat mag-adjust? Ikaw na nga nakikibulong, ikaw pa nagrereklamo? Oh, ano na iyong ibubulong mo dali?" Aniya at inilapit na mismo ang tainga niya sa akin. Bahagya naman akong napaatras baka maging history repeat itself na naman ang peg. Eh ba't ang dami kong sinasabi, wala naman akong pinaglalaban dito?

"Ang weird kasi. Dati naman may nakakasabay akong mga gwapo, pero ngayon puro chararat. Tingnan mo iyon oh.." Pasimpleng itinuro ko sa kanya ang lalakeng may headphone, "Di ba mukhang ewan? Kapit na kapit lang.. Tingnan mo yung isa, mukhang nag-evaporate.."

Agad namang napatingin sa akin ang kaibigan ko na nagtataka, "Anong nag-evaporate?"

Tumawa ako ng mahina at lumapit muli sa kanya para pulaan ang evaporation of the Mr. Watt- ng lalake, "Para kasing may usok na nakatabing sa buong katawan niya, babae. Hindi ko siya makita kahit gaano kalapit."

Dahil sa sinabi kong iyon ay bumunghalit siya ng tawa, ganoon din naman ako. Hindi ko na kasi kayang pigilan pa. Pinagtitinginan na nga kami ng mga tao dito, para kaming mga baliw na tawa lang ng tawa dito hanggang sa tumigil ang tren at namatay sindi ang ilaw. Patay, sindi. Patay, sindi.. Paulit ulit na ganoon. Lalong mas nakakatakot kasi nakaharap sa akin ang nag-evaporate tapos patay sindi pa ang ilaw. Gaaaaa!

"Oh my God, a-anong nangyayari babae?" Nanginginig na tanong ng kaibigan ko. Magkahawak kami ng kamay-

"Great! I'm an English guy. No Filipino! Lol!" Sigaw ng isang boses lalake. Sa palagay ko ay isa siyang kano dahil sa kanyang accent, may twang kasi. Base sa boses niya, masasabi kong hindi ito ang lalakeng nag-evaporate. Wala lang nasabi ko la-

"Aaaaahhhhhh! Babae!" Sigaw ng kaibigan ko nang biglang umuga ang tren. Nagsisigawan na kami sa loob ng tren sa walang humpay na pag-uga. Ano ba kasi ang nangyayari?! Natatakot na ako. Diyos ko po Lord, ayoko pang mamatay. Hindi pa pwede, hindi ko pa nakikita ng personal si Justin Bieber.

"Palabasin niyo kami dito! Parang awa niyo na!" Hiyaw ko habang nabubunggo sa kung saan saan.

"Great! I'm an English guy! No Filipino! Lol!" Rinig kong sigaw ng kano.

"Hindi ko tatantanan ang idol ko!!!" Sigaw ng isang babae sa di kalayuan

"Ate natatakot ako!" Hiyaw naman ng isang babae na sa hula ko ay nasa labing limang taong gulang pa lamang.

"Great! I'm an English guy! No Filipino! Lol!"

"Lol ka din! VLVL ka! VLVL!"

Naghuhuramentado na ang lahat ng tao dito at naghihiyawan dahil sa takot at pangambang baka ito na ang huling sandali ng mga buhay namin.

"Babae, babae halika. Humawak ka lang sa akin.." Utos ko sa kaibigan ko at naglakad papunta sa kung saan alam kong makakaligtas kami. Takot na takot siya, ganoon din naman ako pero hindi ko dapat ipakita ang takot na ito. Kailangan kong maging matatag.

"Aaaaah! Ayan na naman inuuga na naman ang tren! Hindi na tayo makakarating ng next station. Ayoko pang mamatay babae.." Natatarantang saad ng kaibigan ko habang umiiyak. Ang pangit niya talagang umiyak, parang umuulan sa airport.

"Akong bahala sayo basta- @ImArVeE!" Sigaw ko nang tinangay siya ng maraming tao. Sinubukan ko siyang habulin pero hindi ko na maabot ni daliri niya kaya sumigaw na lang ako, "Kumapit ka sa headphone!"

Patuloy sa pag-uga ang tren hanggang sa napalapat ang likod ko sa tila isang matigas na bagay. Humarap ako dito para kumapit nang biglang tumigil sa pag-uga ang tren at bumukas ang ilaw. Hindi na ito patay sindi ngayon. Sindi na lang..

Nang inangat ko ang aking ulo para tingnan ang kinapitan ko ay laking gulat ko ng napagtanto kong hindi pala ito pader, isa palang...

__________________________________

A/N: Dugtungan mo ang "Hindi pala ito isang pader, isa palang..." =p

Ang Malupit na Lipat SanibTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon