Kabanata 19

74 10 6
                                    

Kabanata 19- Dyosa ng mga Prutas

     by: stickpad

At agad naman naming napansin na yung @chazzam na nandun sa may pintuan ng driver ay nagtanggal ng realistic silicone mask at laking gulat namin na isa pala siyang…

[stickypad POV]

“Tiyanak! Waaaaaaaa! Andito ang anak ni Janice sa loob ng tren!” sigaw ni @thatquirkybabe habang sinasambunutan ang katabing si @thatquirkyguy.

“Teka, relax! Talagang may time ka pang sambunutan ako? Eh kung tumatakbo na kaya tayo?” ang sabi naman ni @thatquirkyguy at nagsimula nang tumakbo habang magkaholding hands sila ni @thatquirkybabe, feeling nasa Luneta ang pagtakbo ng dalawa.

“Hey you! Bakit mo ginaya ang mukha ko?” Sigaw ng tunay na @chazzam sa nilalang na nasa tabi ng driver. Huminto sa pag andar ng tren ang driver at takot na naka-tingin sa tabi nya. Nang di makayanan ang nararamdamang takot ay binuksan nito ang lahat ng pintuan ng tren at tatakbong lumabas patungo sa pinakamalapit na istasyon. Kakalampas palang namin ng VitoCruz.

“Inay @krayola, nakakatakot ang mukha nya.” Sabi ko kay inay @krayola na halatang may hinahanap,  saan na nga pala nakarating ang Tatay namin?

“Huwag kang matakot sa ganyan anak, halatang prosthetics lang yan oh. Plastik lang yan.” Sabi ni Inay at paismid na tumingin sa nilalang na nasa driverside.

“Hinahanap ko ang nawawala kong kakambal.” Sabi ng maliit na nilalang. Gulat at takot na napatingin kami sa gawi nya. Nakakapagsalita siya!

“Inay natatakot kami.” Sabay-sabay na sabi ng mga kapatid kong sina @underthetree01, @crazylittle_princess, @IamPhantomhive, @pinklishpink at @himesamaC.

“Eh bakit kailangan mo pang manggaya? Ha? Ha? Ha?” tanong naman ni @ImArVeE na itinuturo sa maliit na nilalang ang hawak nitong saging.

“At bakit sa dami ng gagayahin mo ako pa ang napili mo? Pwede namang si---------“ sabi ni @chazzam pero naputol ang sasabihin nya nang biglang dumating ang ibang members ng RT.

“Hoy anong trip nyo at huminto ang tren?” Tanong ni @Averruncus, ang dyosa ng mga dalandan.

“Oo nga, oo nga. Anong kaguluhan na naman ang ginagawa nyo?” ang tanong naman ni @quirkyshin, ang dyosa ng mga elderberry.

“Ang sakit naman, porke kaguluhan kami agad ang nagsimula? Hindi ba pwedeng dahil sa bakulaw na ‘to?” Sabi naman ni Inay @krayola at tinuro ang tiyanak na nasa harapan namin.

Tili at sigawan ang nangyari sa loob ng tren, pero bago pa magkaroon ng time na mag-collapse ang iba naisipan ko silang i-interrupt.

“Teka POV ko ‘to, bakit wala akong masyadong linya?” Sabi ko at pinameywangan ang mga nasa harapan ko, isa-isa naman silang pumalakpak.

“Ay Award anak! Akala ko hindi ka na magsasalita ulit!” Sabi ni Inay @krayola at yumakap sa akin.

“Ayan go! It’s time to shine na @stickypad! Mag-moment ka na!” Sabi ni @Hana ang dyosa ng hazelnut. Sorry ha, di ko alam kung ano ang tagalog ng hazelnut, kayo alam nyo?

“Unang-una, nakahinto ang tren, paano tayong makakarating sa mga pupuntahan natin?” tanong ko sa kanila. Mamaya nyo na isipin ang tagalog ng hazelnut.

“Lilipad?” Sagot ni @ImZaVee na katabi ang labidabs na si @ImArVeE  habang kumakain ng saging.

“Weeeh? Paliparin mo nga itong tren?” Magkasabay na sabi nina @thatquirkygirl at @thatquirkyguy, nakabalik na pala ang dalawa mula sa pag i-stroll sa tren.

“Alam ko na, lalangoy tayo!” Sabi naman ni @IamPhantomhive.

“Weh.. sige nga gawin nating Bangka ang tren..” sabay-sabay na sabi naman ng lahat ng member ng RT, nagtawanan naman ang iba dahil sa suhestyon ni @IamPhantomhive, kung mangyayari kasi yun lubog na ang buong Maynila sa tubig.

“Eh ano nga kasi ang gagawin natin dito?” Tanong ni @im_msrema na tumabi sa mga dyosa ng mga prutas. Infairness, achieve nila ang mga hinahawakan nilang mga prutas, lalo na si @ImArVeE ang dyosa ng mga saging. Ito din ang unang beses na nakita kong nagsama-sama ang lahat ng mga dyosa. Ang gagandang tignan.

 “Alam ko na!” Sigaw ni @im_msrema, sabay-sabay naman kaming napatingin sa kanya.

Magsasalita na sana si @im_msrema nang may biglang dumating na hindi inaasahang bisita…

Ang Malupit na Lipat SanibTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon