Kabanata 2 : Sino yang kasama mo?
by 1Dude_ArcieS
Hindi pala ito pader, isa palang... abs?! Teka, hindi ako sure eh. Sa lapit kong ito hindi ko pa rin maaninag kung ano ito. Evaporated pa rin.
"What the hell are you doing?" bulyaw nito nang mapansin niya akong nakatitig sa malabong abs niya.
"Ah, eh.... Ano-"
"Ano meron dito?" nagulat ako nang may biglang sumingit na lalake mula sa likod ko.
(1 D u d e _ A r c i e S' P o i n t o f V i e w)
Narinig ko ang bulyaw nung lalake kanina sa babae, kaya umentra na ako. Mukhang nahihirapan na din kasi siya sa pagtitig sa lalake. Marahil ay hirap na aninagin yung lalake.
"This your girlfriend, bro? Could you please tell her to stop staring at me? It's creeping the hell out of me," tuloy tuloy na reklamo ng lalake. Pinasingkit ko ang mata ko, kaso wala rin, hindi ko pa rin makita ang reaksyon ng mukha niya.
"My girlfriend? Are you nuts?! Look at her. She's not even my type!" bulalas ko at napansin kong napatingin ng masama yung babae.
"Alright, I'm going," paalam ng lalake at naglakad na papaalis.
Pinagmasdan ko lang ito habang naglalakad papalayo upang makasiguro na hindi na siya babalik. Hanggang sa nakaramdam ako ng malakas na hampas sa aking braso dahilan para lingunin ko ang katabi ko. "Aray! Masakit 'yon ah!"
"Bwisit ka @1Dude_ArcieS! Kala ko pagtatanggol mo ko!" sigaw nito at hindi pa rin tumitigil kakahampas.
"Sorry na, ayaw ko nga makipagbasag ulo doon, talo ako doon!" depensa ko sa aking sarili.
"Bakit? Kasi siya may abs, ikaw monay?" pang-aasar nito.
"Hindi ah. Isipin mo nga, kung makikipagsuntukan ako doon, paano ko maaasinta suntok ko don? Mahihilo lang ako!" sabi ko na tinawanan niya lang.
Kaibigan ko na 'yan dati pa si @KayeSJ. Baliw 'yan, oo baliw. Baliw na baliw sa akin. Hehehe. Jk. Pero seryoso, baliw iyan kapag kasama ko, wala kaming ginagawa kung hindi ang tumawa. Teka nga, bakit ba siya nandito?
"Uy, ano nga pala ginagawa mo dito? San punta mo?" tanong ko sa kanya.
"Ewan ko, natripan ko lang sumakay ng tren. Malay ko bang magiging roller coaster ito. Tapos- si @ImArVeE!" nagulantang ako nang bigla niyang sinigaw ang pangalan ng kaibigan niya at hinila na lang ako bigla tungo sa loob pa ng tren.
"Teka, ano meron kay @ImArVeE?" nalilitong tanong ko. Oo, alam kong nagkagulo kanina. Kahit naman ako'y inaamin ko na natakot ako doon. May ngumisi pa kasi sa akin noong nagpapatay sindi yung ilaw, hindi ko kikala kung sino yon. Nakakapangilabot.
"Kuya, san kayo pupunta?" napahinto kami nang isang pamilyar at natatakot na boses ang tumawag sa akin. "Sama ako."
Agad kong hinawakan ang braso niya upang hindi siya mahiwalay sa akin. "Kapit ka lang sa akin, @RadixGrayCe," utos ko dito at binaling muli kay KayeSJ ang tingin ko. "Uy, ano nangyari?"
"Natangay nga si @ImArVeE kanina noong nagkagulo. Baka napaano na iyon. Naku, nag-aalala ako, baka-"
Naputol ang kanyang sasabihin nang may marinig kaming malalakas na dasal. "Solicitus, magnasus, gangnamsus, mais!"
Ano 'yun? Paulit ulit lang namin naririnig ang dasal na iyon. Nagpalinga-linga kami upang mahanap ang pinanggagalingan ng boses na iyon ngunit wala kaming makita. Doon ako nag-umpisang makaramdam ng pagkabahala. Ramdam ko rin ang takot mula sa dalawang babaeng kasama ko.
Sa pagbaling ko ng tingin sa kasuluk-sulukan ng tren ay nakita ko ang...
BINABASA MO ANG
Ang Malupit na Lipat Sanib
HumorTipikal na ang pagsakay sa tren.Ngunit paano kung ang tren at istayon na iyong sasakyan ay may sekreto na hindi mo na nanaisin na malaman pa? Iba't-ibang mamamayan na sasakay at magsasama-sama sa istasyong maghahatid sayo sa walang hanggang ikot-iko...