Kabanata 17

110 12 12
                                    

Kabanata 17: Ang Pagbubukas

           By: HimesamaC

Napatingin ako sa paligid ko, ako lang pala ang nagsasaya, lahat ng mga mata nakatitig sa akin. Uupo na sana ako nang biglang sumigaw si…

[himesamaC’s POV]

“AAAAAAAAAAAAHHHHHHHHH!!!!!!”  Napasigaw si @chazzam sa sudden na paghinto ng tren. Bumukas ito at may dahan-dahang gumapang papasok, hair was draping in front of her and she was soaking wet.

Patay-sindi ang mga ilaw sa tren sa pagsara ng pinto.  

Dahan-dahang umandar ang tren at tuloy-tuloy pa rin ang pag-gapang nito. May sinasabi siya pero no one could make out what she actually was trying to say…  “@#*fghsjk….” Iyan lang ang naririnig nila mula sa kanya.  

“AAAAAAHHHHHHH!!!!!” Napatili na din si @ImArveE sabay  sabit sa hawakan dahil gumagapang papalapit na sa kanya.  Biglang may tumunog na piano sa background.

“AAAAAHHHHHHHH!!!!!”  It was @_krayola_ ‘s time to shout. Dali-dali naman itong niyapos  ni @peterpopcorn na nanginginig din sa takot.

“D-don’t w-worry p-poprotektahan k-kita…” Umaalog-alog na ngayon ang tren. Akmang itinaas ng babaeng gumagapang ang kanyang kamay, tumakbo na agad si @peterpopcorn palayo. Naiwan naman si @_krayola_ na umiiyak.

Tuloy pa rin ang pagpatay-sindi ng ilaw, umiiyak na lahat ng mga nasa loob ng tren.  “Ang….” Dahan-dahan itong lumapit kay @KayeSJ pero bago pa man itong tuluyang makalapit ayun at nakaharurot na papunta sa kabilang banda si @KayeSJ at nagtago.  “Huwag ka talagang lalapit sa akin, ipapapatay kita sa mga alipores ni Ian!” sigaw nito.

“I-ibigay….” Sabi nitong babaeng gumagapang.   Si @quirkyshin ang nakarinig nito. “Wait! Parang kilala ko kung sino ‘to ha…” Napakunot ang noo niya dahil talagang kilangkilala niya ang boses ng babe, hindi nga lang niya matandaan kung sino ba talaga ito.

Pero bago pa man niya matandaan, lumapit na si @Lilisaint25 dito at inangat ang mga nakaharang na buhok sa mukha nito.

“WAAAAAAHHHHHH!!!!!” mas lalong napasigaw ang lahat sa kanilang nakita. Biglang tumigil ang pagpatay sindi.

“Sis! Susme, ipapakick na sana kita eh…” Sabi ni @chazzam nang makita niyang ang babaeng gumagapang ay si no other than me, @himesamaC.

“A-ang…” Sabi ko, boses paos na paos na tila ba mamatay na ako.

“Ano yun, hime?” sabi ni @ImArveE na nakaalpas na mula sa hawakan.

“A-ang…. G-…” Lahat ng mata at lahat ng tenga nasa kaniya. Nahihirapan na ata akong huminga.

Hintay…

Dugdugdugdug…

Hintay…

Dugdugdug….

Hintay…

Huminga ako ng malalim.

“A-ang Golden brief akin na…” Nasabi ko rin. Matapos kong habulin ang tren na ito, linangoy  pa ang taal lake at kinayod  ang taal volcano, kailangan ko talaga ang golden brief para mabalik lahat ng energy ko.

“Bwisit ka ate hime, akala ko pa naman kung ano yun… heto o…” Iaabot na sana sa akin ni @pinklishpink ang golden brief na pinagpasa-pasahan nila.  Ayan na abot kamay ko na ang golden brief na may pinaghalong amoy ng saging, calamansi, apple, hazelnut, elderberry at siyempre pawis mula kay hot hunky papable, pero bago ko pa man tuluyang  mahawakan yun, naramdaman ko nang may humila sa aking super shiny purple na buhok.

Tiningnan ko at nakitang si @KayeSJ pala. Pulang-pula at nanlilisik ang kanyang mga mata sa galit at inis.  She’s turning into a monster. Gusto ko sanang sumigaw pero walang boses na lumalabas sa akin.  “Buwiset ka babae ka! Tinakot mo lang kami ng ganoon para sa golden brief na iyon, talagang mapapatay kita…” Kinaladkad niya ako papunta sa kabilang truck ng tren at sumunod naman ang lahat, hopefully para pigilan si Kaye sa gagawin niya sa akin.

Binuksan ni @KayeSJ ang sunod na truck. Nagulantang kaming lahat sa aming nakita. Lumuwa ang aming mga mata at napanganga. Hindi namin inaasahan na iyon ang madadatnan namin kabilang truck ng tren.

Ang Malupit na Lipat SanibTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon