Kabanata 16- Ang mansanas ni Itay
By: underthetree01
Napatigil kami sa pag tatawanan ng may nag bato ng mansanas sa'min at pag katingin namin nakita namin si.....
[ underthetree01’s P.O.V. ]
Si tatay @peterpopcorn lang pala.
*hingang malalim ‘sing lalim ng balon** kala ko kung sino na,
“Hi Tay!” bati namin nina @pinklishpink at @Crazylittle_princess, tinanguan lang kami ni itay at ibinaling na ang tingin kay inay @_krayola_. Ganoon lang ‘yon? Tango lang sa mga anak, tsk., pag-ibig nga naman.
Pero nang tignan naming si inay @_krayola_, hawak-hawak niya yung mansanas na binato ni itay kanina,
“Nay, ba’t mo hawak yang mansanas?” Tanong ni @pinklishpink, pero ‘di siya sinagot ni inay at binalingan si itay.
“Bakit ka nambato ng mansanas?” Seryosong tanong ni inay @_krayola_ kay itay @peterpopcorn, hala ayan na nakakatakot na si inay.
“Pasensya ka na mahal, alam ko naman kasing paborito mo yung mansanas. Ayaw mo ba, galling pa naman din ‘to sa puso ko?” Aysus, nage-emote pa si itay,
Si inay naman parang kinilig na, ayaw pa kasing umamin, ‘di tuloy mabuo-buo ang pamilya Mansanas, pero tumingin ulit ng masama si inay kay itay @peterpopcorn.
“E, bakit mo nga binato yung mansanas?” matigas na tanong ni inay @_krayola_ kay itay,
“Masyado na kasing common kung iaabot ko lang sayo yung mansanas, teka natamaan ka ba?” sabay-sabay naman kaming napatingin kay Inay, natamaan ba si Inay? Nakita niyo ba?
“Oo! Tignan mo ‘to o *sabay turo sa noo niya na medyo namumula-mula,*”
“Pft. Hahahaha” nung una pinipigilan pa ni itay na tumawa pero nang ‘di na makayanan ang sakit ng tiyan ayun tumawa ng malakas with matching padyak pa ng paa.
“At anong tinatawa-tawa mo diyan?” Tanong ni inay,
“Wala, ang cute mo kasi mahal.” Omygasgas, kakilig talaga tong si itay, bumabanat-banat pa.
“Ate @himesamaC, tignan mo si inay at itay ang sweet nila no?” Sabi ko kay ate @himesamaC habang pinagmamasdan ko sina inay,
“Gusto ko rin makatag—” ‘di natuloy ang sasabihin ko ng paglingon ko ay wala na pala akong kausap dito at wala na si ate @himesamC; si @crazylittle_princess, @pinklishpink, kahit si @IamPhantomhive wala na rin.
Bigla na lang akong kinilabutan, niipat ko ang tingin ko sa gawi nila inay @_krayola_, pero wala na rin sila. Nilibot ko ang paningin ko, “Nasaan na ang mga tao?” tanong ko sa sarili ko, nga-iisa na lang ako, kani-kanina lang ang daming taong nagsisiksikan dito sa istasyon ng tren. Naglaho na lamang na parang bula ang mga tao.
Hindi ko na talaga maiwasang hindi matakot, nagsitayuan lahat ng buhok ko sa buong katawan.
*Shiiiiiiiiiiiiii** *Shiiiiiiiiiiiiii**
biglang lumakas ang hangin, nangangatog na ako sa ginaw,
*blink*** *blink*** *blink***
patay-sindi na rin ang mga ilaw,
May biglang lumitaw na, ‘di-ko-magets-na-creature. Palapit siya ng palapit sa akin, medyo Malabo ang mga mata ko at nagpapatay-sindi pa ang ilaw kaya ‘di ko gaanong maaninag yung monster. Lapit pa rin siya ng lapit, tuwing sumisindi ang ilaw, saka ko lang naaaninag ang pagmumukha ng moster. Kulay berde ang balat, isa lang ang mata, at may parang tuldok-tuldok sa mukha niya. Seriously, Pimples ba ‘yon?
Lapit siya pa rin ng lapit, ako naman tong si atras ng atras, hanggang sa mapasandal na ako sa may railings ng LRT station.
“Hoy! Bakulaw, ‘wag kang makalapit-lapit sa akin!” Pinilit ko pa ring sumigaw kahit na sobrang nangangatog na ko sa takot at ginaw.
“Kilala mo ba ako?” Tanong ko sa kanya sabay taas ng isa kong kilay, hindi siya sumagot,
“Pipe ka siguro no? Ako lang naman si @underthetree01, nakatira sa ilalim ng puno at never pa akong natakot sa kahit na anong engkanto, dwende, kapre o kahit na ano pang Pontius Pilatong nilalang.” Sabi ko sana kumagat siya sa kwento ko.
Lapit pa rin siya ng lapit sa akin, yung totoo type ba ako nito?
“No, no, no, diyan ka lang, *sabay harang ng isa kong kamay sa may dibdib niya*”
Kunwareng pinagmamasdan ko iyong mukha niya, kailangan kong mag-isip ng paraan para lumayo tong berdeng nilalang na’to sa akin.
“Anong facial wash gamit mo?” Tanong ko sa kanya, sana maging epektibo tong plano ko,
“Siguro Punds Facial wash no? Tsk, alam mo bang ‘di maganda sa skin tone mo ‘yon?” Sabi ko with matching iling-iling pa para magmukhang realistic,
“Try mo yung Zonrox, surely, definitely, totally tanggal lahat ng pimples mo.” Sa sinabi ko mukhang mas lalong nagalit si berdeng nilalang, tinaas niya yung dalawa niyang kamay at,
“Hwaaaaaa!” sigaw ko sabay pikit,
“@underthetree01, gising!” Alog sa akin nitong katabi ko, kala mo naman wala nang bukas kung makaalog.
“Ano bang nangyayari sa’yo anak?” Tanong sa akin ni inay @_krayola_
“Teka, panaginip lang ang lahat?” Tanong ko sa sarili ko, nakahinga ako nang maluwag.
“Panaginip lang!” Pakanta-kanta pa ko, habang sumasayaw sa loob ng tren. Akalain niyo ‘yun, panaginip lang pala si berdeng nilalang.
Napatingin ako sa paligid ko, ako lang pala ang nagsasaya, lahat ng mga mata ay nakatitig sa akin. Uupo na sana ako nang biglang sumigaw si……
BINABASA MO ANG
Ang Malupit na Lipat Sanib
HumorTipikal na ang pagsakay sa tren.Ngunit paano kung ang tren at istayon na iyong sasakyan ay may sekreto na hindi mo na nanaisin na malaman pa? Iba't-ibang mamamayan na sasakay at magsasama-sama sa istasyong maghahatid sayo sa walang hanggang ikot-iko...